Xian Gaza hindi pa nakaka-move on sa ex-fiancee, anyare?

Xian Gaza hindi pa nakaka-move on sa ex-fiancee, anyare?

AMINADO ang social media personality na si Xian Gaza na hindi pa rin siya nakaka-move on mula sa kanyang nagdaang relasyon sa Thai national na si Kumpuy.

Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi ng self-proclaimed Marites na huwag raw muna siyang landiin dahil may nararamdaman pa siya sa dating karelasyon.

“Pakiusap ay huwag niyo muna akong landiin kasi mahal ko pa. Hindi pa ko nakaka-move on. Sobrang vulnerable pa ko ngayon,” saad ni Xian.

Sa kabila ng halos isang buwan pa lang na paghihiwalay nila ng kanyang muntik nang maging asawa ay tila mayroon na agad kandidata ang lalaki na papalit sa pwesto ng dating minamahal.

Baka Bet Mo: Xian Gaza ‘wala’ nang dyowa, single na ulit

“Baka kasi saluhin mo yung puso kong nagdadalamhati hanggang sa ako’y mahulog sayo tapos ibili kita ng house & lot na aking pagsisisihan sa huli ‘pagkat aking isipan ay nagugulumihanan pa,” may himig biro pang sabi ni Xian.

Pagpapatuloy niya, “Tila isang agila sa gitna ng kagubatan, matayog ang lipad ngunit hindi malaman kung saan magpapahinga.”

Samantala, sa latest post ni Xian ay pinuri niya ang kanyang dating karelasyon.

“Gusto ko lang i-appreciate publicly yung ex ko. Habang nasa Paris ako, I told her to move out sa bahay on August 1st. Pagdating ko sa bahay on August 5, maayos ang lahat. Malinis. Very organized. Nilabhan pa niya lahat ng bed sheets, twalya, even yung mga basahan,” pagbabahagi ni Xian.

Ikinuwento rin niya na iniwan ng dating karelasyon ang susi at car registration book ng BMW na ibinigay niya.

Sabi pa ni Xian, “Yung car registration book ng BMW at yung dalawang susi pati na yung mismong unit ay iniwan niya kahit lahat ng ‘to ay nakapangalan sa kanya. She is the legal owner. She can take my car at wala akong kalaban-laban.
“Setting aside our personal issues sa loob ng aming relasyon, she proved na siya ay isang mabuting tao.
And I want everyone to know that.”

Read more...