Maxene nakipag-bonding sa ina’t kapatid: ‘Reconnecting with family’

Maxene nakipag-bonding sa ina't kapatid: ‘Reconnecting with family’

PHOTO: Instagram/@maxenemagalona

ANG saya naman ng latest update ng aktres na si Maxene Magalona dahil nakasama na niya ang kanyang ina na si Pia at kapatid na lalaki na si Elmo.

Sa Instagram, proud na ibinandera ni Maxene ang lunch date nilang tatlo sa isang restaurant.

Caption niya, “You know what’s incredibly healing? Reconnecting with family and just having a good time catching up, laughing uncontrollably about funny memories and telling each other how proud you are of one another [red heart emoji].”

Grateful daw siya sa naging bonding nila at sana raw ay makasama sa susunod ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya.

Baka Bet Mo: Maxene 5 years naglalasing, puma-party habang ipinagluluksa si Francis M

Wika pa niya, sa IG, “Thanking God for bringing us back together in His perfect time [smiling face with hearts emoji].”

“Thank you for lunch, Mama @piamagalona! I enjoyed hanging out with you and @elmomagalona [hug emoji] See you again soon [hearts emoji],” mensahe pa niya.

Sa comment section, maraming fans at netizens ang natuwa dahil tila naging okay na si Maxene at ang kanyang pamilya.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Family is Love.. Family is best Support system”

“This is such a lovely sight [red heart emojis]”

“All in God’s perfect time [heart emoji]”

Ilan din sa mga kapwa-artista na nag-react sa post ni Maxene ay sina Iza Calzado, Tim Yap, at Lara Quigaman.

Magugunita sa isang interview kasama ang entertainment reporter na si Nelson Canlas, ibinunyag ni Maxene na pansamantala siyang lumayo sa kanyang pamilya upang maghilom.

Inamin din ng aktres na isa ito sa mga “most painful things” na ginawa niya, pero kinailangan niya raw kasi ito gawin.

Nabanggit niya rin na okay na sila ng isa pa niyang kapatid na si Saab last year pa.

Read more...