“PARANG lumalala na.”
‘Yan ang naging reaksyon ng award-winning veteran actor na si John Arcilla sa mainit na isyu sa pagitan ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo at ng kanyang ina na si Angelica.
Magugunitang nagsimula ang kontrobersiya sa social media post ng ina ni Carlos na tila pinapaboran ang kalaban kaysa sa sariling anak.
Maraming netizens ang nakakita nito kaya talaga namang marami ang nanggigil at na-beast mode, hanggang sa lumaki na nga ang isyu at naging talk of the town dahil ang dalawang panig ay patuloy na nagsasagutan sa pamamagitan ng socmed.
Dahil diyan, nakiusap na nga si John sa kanyang Instagram post at sinabing: “Sana I-CELEBRATE NA LANG MUNA NATIN ANG TAGUMPAY NG KAGILAGILALAS NA SI CARLOS YULO kahit isang buwan man lang o higit pa, kasi dahil sa kanya NAKAKA-PROUD BILANG PILIPINO.”
Baka Bet Mo: Carlos Yulo ipinaglaban ang dyowa sa ina: Ayaw talaga niya kay Chloe
“Sa tinapos kong kurso ng Masscommunication, may tinatawag tayo sa media na SELF REGULATION. Sana ipaalala natin ‘yon sa ating mga colleagues and let’s practice the principle,” wika pa ng aktor.
Paliwanag pa niya, “Kahit hindi tayo propesyonal pwede naman tayong pumili kung saan angulo natin papaikutin ang usapin. Sa Ganitong LEVEL ba talaga natin gustong i-focus ang TAGUMPAY ni Carlos Yulo na tagumpay din natin bilang isang NASYON? [red heart emoji] Mas IMPORTANTE ba talaga na maka-scoop muna?”
“Kung hindi natin ito isusubo sa masa hindi rin naman nila ito bibigyan ng atensyon. Tayo ang magtuturo sa ating mga kababayan kung ano ang mas MAHALAGANG PAG USAPAN. Siguro pwede tayong mag focus na itaas muna ang moral nating mga Pilipino,” panawagan pa niya.
Aniya pa, “Kahit saglit lang o kahit panghabangbuhay na [peace sign emoji] Maraming salamat po.”
Sa comment section, halo-halo ang naging sentimyento ng netizens.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“His mom started this. She could’ve just congratulated him ‘diba? His mother triggered not only Carlos Yulo but all breadwinners here sa Pinas. Kahit ako, ang init ng ulo ko because of his mom.”
“True lumala na nga. He either should have just kept his mouth shut or his manager should have intervened.”
“This! Thank you for posting this General. At wag rin natin kalimutan ang ibang atletang ibinigay ang lahat ng kanilang galing para sa Pilipinas. Saludo kami lahat sa inyo.”
“So true.. family matters is none of our business. What’s in it for us para makisawsaw pa sa issue nila..oks na ‘yung support and celebrate his effort and success..Carlos should also set boundaries on what to or not say to protect his family’s interest.”