Habagat magpapaulan pa rin, bagyo sa labas ng bansa mino-monitor ng PAGASA

Habagat magpapaulan pa rin, bagyo sa labas ng bansa mino-monitor ng PAGASA

PHOTO: Facebook/Dost_pagasa

PATULOY pa ring binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo na nasa labas ng ating bansa.

Ayon sa latest report ni Weather Specialist Benison Estareja ngayong araw, August 8, ang nasabing bagyo ay lalong lumakas.

“From a Tropical Depression ay lumakas pa po ito from a Tropical Storm at meron nang international name na Maria,” sey niya sa isang press briefing na ibinander sa Facebook.

Sabi pa niya, huli itong namataan 2,230 kilometers extreme Northern Luzon.

Paliwanag ni Estareja, “Base sa ating analysis ay hindi ito papasok ng ating Philippine Area of Responsibility at lalayo po patungo sa silangan ng Japan.”

Baka Bet Mo: Lassy nanlumo, na-trauma nang malubog ang bahay sa baha: Back to zero!

Bukod daw riyan ay, “Wala ring inaasahang direktang epekto sa ating bansa.”

Nabanggit din ng weather specialist na ang Low Pressure Area (LPA) na kanila ring binabantayan recently ay tuluyan nang nalusaw.

Para sa araw na ito, August 8, asahan ang epekto ng Habagat sa maraming lugar.

Kabilang na riyan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Ilocos Region, Zambales, at Bataan.

Uulanin din ang Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, at nalalabing bahagi ng Central Luzon.

Gayundin ang aasahan sa Metro Manila at natitirang lugar sa bansa.

Read more...