Ashley Ortega may iaalay sa next dyowa: He’ll be the luckiest guy!

Ashley Ortega may iaalay sa next dyowa: He'll be the luckiest guy!

Kathryn Bernardo, Mark Alcala at Ashley Ortega

MAY bonggang “iaalay” ang Kapuso actress na si Ashley Ortega kung sakaling magkakaroon siya ng bagong  boyfriend.

Single na single pa rin ngayon ang dalaga at nais daw muna niyang mag-focus sa pag-aalaga at pagmamahal sa kanyang sarili.

Sey ng aktres, gusto niyang maging “best version” ng kanyang sarili habang single pa siya para ito ang makikita at mararamdaman ng next dyowa niya.

Baka Bet Mo: Ashley Ortega dedma sa malilisyosang haters: ‘Alam namin ni Xian na wala kaming ginagawang kababalaghan’

Bumisita si Ashley sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Friday ay natanong nga siya kung ano na ang estado ngayon ng kanyang puso.


“Happily single pa rin. I am genuinely happy pa rin sa career path ko,” sey ng aktres.

Ngunit agad na binanggit ng dalaga na hindi muna siya magla-lovelife, “I don’t go out looking for love. I believe that love will always find me.”

Sa next question ni Tito Boy kung nasaan kaya ang kanyang “forever”, “Sa totoo lang I don’t know. But right now I’m really happy and focus ko sarili ko eh.

“Siguro ngayon kasi, aminado naman ako that I don’t go out to meet guys, kaya siguro single rin ako ngayon, kasi I have so much on my plate.

Baka Bet Mo: Ashley Ortega dedma muna sa mga lalaki: I don’t need a guy in my life!

“Siguro, maybe next year I’m gonna go out and meet people,” aniya pa.

Last March, 2023 nang isapubliko ni Ashley na naghiwalay na sila ni Lucena City Mayor Mark Alcala na isang certified bachelor na balitang nanliligaw ngayon kay Kathryn Bernardo.

Sey pa ni Ashley, “Ipinagdarasal ko rin actually ‘yung future. Sabi ko kay Lord, siyempre I’ve experienced heartaches in the past.


“And just because of that heartache doesn’t mean na I’m gonna be a cold hearted person,” aniya pa.

“I’ll still remain as a sweet, lover girl. Whoever my next guy is will be the luckiest guy because you will get the best version of myself. Pero hindi ko pa alam kung sino,” natatawang kuwento pa ng dalaga.

Read more...