Connie Sison, Pia Arcangel never naisip mag-artista, feeling walang talent

Connie Sison, Pia Arcangel never naisip mag-artista, feeling walang talent

Connie Sison at Pia Arcangel

SA ganda at awrahan ng mga seasoned broadcast journalists na sina Connie Sison at Pia Arcangel ay pasadung-pasado rin sila na maging artista.

Marami ang nagsasabi na malaki ang hawig ni Connie sa award-winning actress at public servant na si Aiko Melendez habang may nagkokomento namang pwedeng pandrama ang si Pia dahil sa maamo niyang mukha.

Sa guesting ng dalawang news anchor sa “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan ay natanong sila kung naisip din nilang mag-showbiz o mag-artista noon.

Baka Bet Mo: Vico Sotto feeling sentimental sa reunion nina ‘Tito, Vic & Joey kasama pati si Coney’, may promise sa ‘Eat Bulaga’ family

Sabi nga ni Tito Boy, artistahin ang itsura ng dalawang Kapuso broadcast journalist at inulit pa nga ang observation ng marami na ka-awra ni Connie si Aiko.


“Parati ko pong sinasabi, thank you po kasi nagagandahan din ako sa kaniya,” ang reaksyon ni Connie.

Pagbabahagi pa niya, 5-years-old siya noong mabigyan siya ng chance na umapir sa isang pelikula na pinagbidahan ng premyadong aktres at dating TV host na si Coney Reyes.

“Hindi ako kasali sa script kaya lang nandoon ako. Nakita nilang naglalaro ako sa gilid. Sabi ng direktor ‘kunin mo na ‘yan, kunin mo na ‘yan. Kunwari na lang may anak sila,'” pag-alal ni Connie.

Aniya pa, “So ako naman, wala akong kamuwang-muwang. Ang sabi nila mag-smile lang ako. Eh, ‘di smile-smile lang ako. But that was it. That was it for me.”

Baka Bet Mo: Connie Sison, Raffy Tima mas maraming pasabog at pampabusog na putahe sa ‘Balita Ko’

Sa mga hindi pa nakakaalam, pamangkin ni Connie ang Kapuso actor na si Martin del Rosario at nag-try din sa showbiz ang kanyang kapatid.

Pero sabi ni Connie, hindi raw talaga para sa kanya ang showbiz, “Never talaga. Kasi sa totoo talaga, mahiyain talaga ako. Actually kami sa family, mga kapatid ko, mahiyain kaming lahat.


“But because I’m in this industry (media), kinailangan ko. I mean siguro mayroon din akong talagang innately…na mayroon din akong kakapalan sa pagko-cover dapat. Meron ka dapat guts, ‘di ba?” esplika ni Connie.

Samantala, naibahagi naman ni Pia na  sinubukan ng kanyang ina na ipasok siya bilang commercial model noong baby pa lamang siya.

“Isinali raw ako ng mommy ko sa isang pa-contest. Parang naghahanap sila ng model for a baby powder.

“Tapos sinubmit niya ‘yung picture ko pero hindi ako nakuha dahil masyado daw mataba,” chika ni Pia.

Dagdag pa niya, “Noong naalala ko ‘yun, sabi ko ‘Ayoko na ngang mag-audition ng kahit ano.'”

Never din daw niyang naisip na pasukin ang mundo ng showbiz dahil feeling niya hindi rin para sa kanya ang pag-arte.

“Hindi ko kaya ‘yung iiyak. Baka wala talaga ‘yung talent,” aniya pa.

Read more...