Daniel Paringit ibinandera ang kwento ng buhay sa album na ‘Checkpoints’

Daniel Paringit ibinandera ang kwento ng buhay sa album na ‘Checkpoints’

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

NAG-RELEASE na ng debut album ang rising Pinoy artist na si Daniel Paringit! 

Ito ang “Checkpoints” na tungkol sa mga personal niyang karanasan sa buhay, kabilang na pagdating sa lovelife at kaibigan.

“It captures the feeling of growing older and gaining more experience and discovering who you are and what you are looking for in a partner or even just a friend,” paglalarawan ni Daniel sa kauna-unahan niyang album.

Paliwanag pa niya, “In that journey, you’ll experience extremes: you’ll get badly hurt, but you’ll also experience happiness, kilig, and everything in between. All those experiences in love teach you to be more careful and be more intentional with your relationships.”

Ayon kay Daniel, nine song ang tampok sa latest music project niya.

Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Zack Tabudlo ‘goal’ ang makatulong sa maraming tao sa pamamagitan ng musika

Kabilang na riyan ang “Buntong Hininga,” “Di Mo Lang Alam,” “Dinggin,” “Kunwari,” “Palaisipan,” “Sayo (Heto Na Naman),” “Wag Kang Ganyan,” at “Di Ba Sapat” na may collaboration ng sikat na OPM singer na si Zack Tabudlo.

Kamakailan lang, naimbitahan ang BANDERA sa album launch event ni Daniel at dito namin siya nakachikahan tungkol sa inspirasyon ng kanyang album.

Paliwanag niya sa amin, “Mahilig kasi ako sa mga kotse at mga motor, so ‘yung ‘Checkpoints,’ parang katulad niya ‘yung mga pinagdadaanan natin sa buhay…na kapag pinili nating umusad at puntahan ‘yung mga lugar na kung saan nating mapunta, lagi’t lagi mong ma-i-experience magkaroon ng checkpoint or parang makadaan sa checkpoint.”

“Na ganun din sa buhay na parang meron at meron kang pagdadaanan, pero sa lahat ng pagdadaanan natin na ‘yan –sa bawat checkpoint na ‘yan, it’s either ready ka, kumpleto ka sa lahat ng requirements kaya malalagpasan mo ‘yun. Kumbaga prepared ka,” wika pa niya.

Esplika pa ng singer, “May mga checkpoint naman sa buhay natin na ‘di talaga tayo ready kaya maho-hold tayo dun or parang medyo tatagal tayo dun. Pero eventually makakalagpas [din] tayo.”

Dagdag pa niya, “May mga checkpoint [din] naman sa buhay natin na parang iniiwasan natin kasi takot na takot tayo dun…minsan pag naka-checkpoint, mag u-turn ka na lang.”

 Bilang ito ang first-ever album ni Daniel, lubos ang pasasalamat niya sa lahat ng fans at tagasuporta.

“Thank you, as in wholeheartedly. As in wala talaga kami dito kung hindi dahil sa inyo. Tsaka mahal ko kayo. As in salamat sa friendships na meron tayo ngayon. Salamat din dahil parang kahit nag-uumpisa pa lang ako, nandyan na kayo. Sobrang malaking bagay sa akin, sobrang na-appreciate ‘yun,” mensahe niya.

Saad pa niya, “Naniniwala lang ako talaga na never lang mangyayari yung isang bagay kapag tumigil tayo, kaya hinding-hindi ako titigil sa music. [At] mangyayari rin ito sa tulong niyo.”

“Sa inyo rin, sa kung ano man ‘yung mga ginagawa niyo sa buhay niyo, gawin niyo lang. Huwag kayong titigil,” aniya pa,

Ang “Checkpoints” album ay mapapakinggan na sa lahat ng music streaming platforms, released by EMI Records, a division of UMG Philippines, Inc.

Read more...