Ina ni Carlos Yulo mukhang pera raw, rumesbak: Wala kaming ninakaw!

Ina ni Carlos Yulo mukhang pera raw, rumesbak: Wala kaming ninakaw!

SUMUSUMPA ang nanay ng Olympic gold medalist na si Carlos Yulo na wala silang ninanakaw na pera mula sa savings ng kanyang anak.

Nag-explain si Angelica Poquiz Yulo tungkol sa mga akusasyon sa kanya ng mga bashers na mukha raw siyang pera at ito raw ang dahilan kung bakit may hidwaan sila ni Carlos.

Mariing pinabulaanan ni Angelica na naghahabol siya sa kinikita ni Carlos bilang athlete sa national team, at lalong walang katotohanan na winaldas nila ang savings ng anak.

Sa isang video na in-upload ng Bombo Radyo sa Facebook, nagsalita si Angelica tungkol sa pamba-bash sa kanya ng supporters ni Carlos. Dito, naikuwento niya hinggil sa naipong pera ng anak.

Nawala umano noon ang passbook ni Carlos, “Since hawak ko yung passbook niya, nagpasa siya ng affidavit of loss. Got it notarized tapos pinasa niya sa BDO.

Baka Bet Mo: Ina ni Carlos Yulo ‘kinarma’ matapos suportahan ang Japan kaysa sa anak

“So siyempre, sa kanya lang nakapangalan yun. Kaya may right talaga siya na kunin yung pera niya. Kaya lang kasi, hindi ko in-expect sa ganung paraan.

“Kasi binigyan ko pa siya ng benefit of the doubt na kukunin niya sa amin nang maayos na paraan. Ibibigay naman namin. As far as I remember, December 2022, nagpunta kami ng bank o nag-update pa kami ng signature niya.

“Ngayon, kung ako after ako sa pera niya, that time kasi alam ko iba na yung feeling ko,” pagbabahagi ng ina ni Carlos na ipinagbubunyi ngayon ng sambayanang Filipino matapos makasungkit ng dalawang gold medal sa nagaganap ngayong Paris Olympics 2024.

Patuloy ni Angelica, “That time, sana sinabi ko sa kanya mag-joint account kami. Pero never kong sinabi. Hindi ko ginawa. So, ang sa akin is alam ko pinaghirapan niya yun. Gastusin niya sa paraan kung saan siya masaya.

“Kasi, at the end of the day, lahat naman ang pinaghirapan niya dapat siya lang talaga yung makikinabang,” aniya pa.

“Nakuha naman ni Caloy nang buong-buo sa BDO yung pera niya na nagkakahalaga ng P11 million. So, nakuha niya yun,” pahayag ni Angelica.

At tungkol naman sa isa pang bank account ni Carlos sa Land Bank of the Philippines, “Maraming withdrawals sa ATM niya. So, hawak ko yung ATM niya na du’n pumapasok yung allowance niya from 2013 to 2022.”

Ang sinasabi ni Angelica ay ang allowance ni Carlos mula sa Philippine Sports Commission (PSC) bilang atleta ng national team, “Pero during that time, noong mga 2013 to 2014, ang sinasahod niya from PSC is P5,000 lang.

“Then, after a year, naging P8,000. After a year ulit, naging P10,000, until December 2019 kasi nanalo na siya noon. Tumaas yung allowance niya noong nag-qualify siya sa (Tokyo) Olympics ng 2020.

“Pero may mga withdrawals talaga doon na meron naman akong proof kung saan napunta. May mga malalaking amount talaga kasi pumasok talaga siya sa Gymnastics Association of the Philippines way back 2020 na nagkakahalaga siya ng P488,000,” sabi pa ni Angelica na hawak ang mga deposit slip at iba pang resibo ng mga transaksyon.

Baka Bet Mo: Nanay ni Carlos Yulo sinisi dyowa ng anak: Inilalayo sa amin si Caloy

“Meron din akong resibo ng mga yun and yung (BDO) passbook na hawak ko na nandun pa yung P11 million. Kasi hindi ko naman siya mawi-withdraw kasi kay Caloy lang siya nakapangalan” sey pa ni Angelica.

Sa tanong kung ano ba talaga ang nangyari sa kanila ng anak, “Ang naging mitsa lang naman talaga ever since yung babae talaga. Lalong lumaki (ang samaan ng loob).”

Ang paniwala ng marami, ang tinutukoy ni Amgelica ay ang Filipino-Australian girlfriend ni Carlos na si Chloe Anjeleigh San Jose, isang vlogger.

“Oo, alam ko, gusto nilang magkasama. Gusto niyang makasama si Caloy, gusto rin siyang makasama ni Caloy. Pero siyempre, kasi pamilya kami. Kumbaga, parang matagal din namin siyang hindi nakasama. Because of pandemic, di ba?

“So siyempre, kung siya gusto rin siyang makasama nung girl, how much more kami na pamilya niya na gusto rin siyang makasama? Even yung mga kapatid niya kasi talagang medyo nalulungkot lang kasi sobrang close silang magkakapatid,” sey pa niya sa naturang panayam.

Kasunod nito, nanindigan si Angelica na hindi nila niloloko si Carlos pagdating sa pera, “Wala kaming ninakaw, wala kaming ginalaw na pera niya. Siguro meron portion na hindi man lang sabihin mong aaray yung bulsa niya.”

Read more...