IBA talaga ang tinaguriang Golden Boy of Philippine Gymnastics na si Carlos Yulo!
Dalawang gold medal na kasi ang nakukuha niya sa Paris Olympics 2024.
Kung noong August 3 ay nag-champion siya sa kategoryang “men’s artistic gymnastics floor exercise”, kinabukasan naman ay nanguna siya sa “men’s artistic gymnastics vault finals.”
Dahil diyan, gumawa na naman si Carlos ng kasaysayan bilang first-ever Pinoy athlete na nagwagi ng multiple medals sa iisang Olympic event.
Baka Bet Mo: Ina ni Carlos Yulo ‘kinarma’ matapos suportahan ang Japan kaysa sa anak
Bukod diyan, siya rin ang kauna-unahang Pinoy na nagwagi ng dalawang gold medals!
At alam niyo ba kung bakit tinawag siyang “Golden Boy?”
Ito ay dahil sa mga nakokolekta niyang gintong medalya sa mga major competitions na kanyang sinasalihan.
Narito ang listahan ng mga naiuwi na niyang major gold medals mula sa iba’t-ibang international competitions:
Olympics
2024: Men’s gymnastics floor exercise
2024: Men’s gymnastics vault finals
SEA Games
2019: Men’s gymnastics all-around, floor exercise
2021: Men’s gymnastics all-around, floor exercise, still rings, vault, horizontal bars
2023: Men’s gymnastics all-around, parallel bars
World Championships
2019: Men’s gymnastics floor exercise
2021: Men’s gymnastics vault
Asian Championships
2022: Men’s gymnastics floor exercise, vault, parallel bars
2023: Men’s gymnastics floor exercise, vault, parallel bars
2024: Men’s gymnastics all-around, floor exercise, vault, parallel bars