SORRY pa rin nang sorry hanggang ngayon ang Kapamilya actor na si Elijah Canlas sa namayapa niyang kapatid na si Jerom Canlas.
Isang taon na ngayong patay ang bunsong kapatid ni Elijah pero ramdam na ramdam pa rin niya ang pangungulila. Nasa ibang bansa ang binata nang mamaalam si Jerom.
Sa kanyang Facebook account nitong August 4, inalala ni Elijah ang 1st death anniversary ng kapatid, “It’s been a year since you left but it already feels like forever.
Baka Bet Mo: Elijah Canlas may entry na sa Summer MMFF 2023, bibida pa sa Pinoy remake ng Korean movie at ‘GomBurZa’
“One year since i got the worst phone call ever. one year without your goofy ass,” mensahe ng Kapamilya young actor.
Pagpapatuloy niya, “Lagi’t lagi kitang naiisip at namimiss. araw-araw parin kitang kinakausap. araw-araw parin kitang hinahanap.
“I’m still so sorry with how things ended. i sometimes think life has lost all its meaning when you passed away.
“But we manage to find and give life different meanings each day to carry on. you’ll always be at the core of it though. never forgotten,” ang bahagi pa ng FB status ni Elijah.
Baka Bet Mo: Elijah Canlas inaming ‘the one’ si Miles Ocampo: ‘Pag nagmahal po kasi ako buong-buo po talaga
“Sana’y lagi kang payapa at maligaya, kulit. miss na miss at mahal na mahal ka ni kuya. mahal na mahal na mahal ka namin.
“Habang buhay. habambuhay,” pagbabahagi pa ng aktor kalakip ang dalawang litrato nila ni JM.
Sa eulogy ni Elijah, nabanggit nito ang mga pinagdaanan ni JM bago mamaalam, “Alam kong marami pong tanong, marami po tayong tanong kung bakit, kung paano, kung ano…pero gusto ko lang po ipaalam na he’s been battling with this for a while now and he fought a good fight.
“Malakas po si JM. No matter what. Hanggang ngayon, malakas po siya, napakalakas na bata na parang, ang sakit pa rin. Ako din po dumaan sa depression, nandiyan po siya para sa akin. He’s always there to make me laugh, he’s always there to cheer me up.
“Sabi nga po ni Daddy, nakilala natin siya bilang masayahin, makulit, may facade na ewan. Pero mabigat na po talaga yung kinakarga niya. Kaya kahit siya na po mismo nagsabi na, he would like all of us to find solace in the fact that he’s in peace right now. Kaya magpasalamat po tayo doon. Ipagdasal po natin si JM.
“Alam ko rin na marami ngang hindi naniniwala, maraming kine-kwestiyon kung ano po ba ang mental health. Kung totoo ba yan na pinapagpag lang yan, mag-joke lang or whatever, o itawa mo lang yan. Hindi po siya ganu’n kasimple.
“Ako na ang nagsasabi, matagal nga pong lumaban itong si JM. Sobrang tagal po niya lumaban at ilang beses po namin siyang naligtas.”
“We got to talk about it. We were there for him, we would call, he would knock on our doors, talk to his friends. Kaya hinihiling ko rin po na huwag po nating maliitin yung sakit na ito. I-check po natin yung isa’t isa, no matter what age, no matter what.
“That’s why we also want to celebrate his life. Let’s celebrate his life and let’s pray for him,” sabi pa ng aktor.