Tippy ibinandera ang pangungulila kasabay ng birthday ng ina

Tippy ibinandera ang pangungulila kasabay ng birthday ng namayapang ina

Pauline del Rosario |January 06,2024
facebook
share this

Tippy ibinandera ang pangungulila kasabay ng birthday ng namayapang ina

Pauline del Rosario - January 06, 2024 - 02:38 PM

Tippy ibinandera ang pangungulila kasabay ng birthday ng namayapang ina

PHOTO: Instagram/@happydossantos

KAHIT nagdadalamhati nang todo ang singer-actress na si Tippy Dos Santos, tila nakagawa pa rin sila ng paraan upang ipagdiriwang ang kaarawan ng namayapang ina na si Happy.

Sa Instagram Stories, makikita na kahit nakalamay ang kanyang ina ay naglagay pa rin sila ng ilang birthday decorations.

Mapapanood din na marami ang dumalo at nakiramay sa kanilang pamilya.

Baka Bet Mo: Tippy Dos Santos hindi pa handang mawala ang ina: ‘My mom was full of life’

Tippy ibinandera ang pangungulila kasabay ng birthday ng namayapang ina

PHOTO: Screengrab from Instagram Stories/@tippydossantos8

Bukod diyan, ibinandera rin ni Tippy ang kanyang heartfelt birthday greeting para sa ina.

Sa IG account, ibinahagi ng aktres ang ilang throwback pictures habang namamasyal abroad.

Kasama niya riyan ang kanyang mga magulang na sina John at Happy, pati na rin ang kanyang kapatid na si Jackie.

Kalakip niyan ang caption na: “Happy birthday, Mom. I will miss your beautiful smile every single day.”

“Thank you for reminding us to capture photos of every special moment in our lives. I will always be grateful for these photos we have as a family. I miss you so much already. I love you,” sey pa niya.

Baka Bet Mo: Nanay ni Tippy Dos Santos kritikal matapos maaksidente sa South Korea

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Stephanie Dos Santos – Porcuna (@tippydossantos8)

Binawian ng buhay si Ginang Happy habang naka-confine sa isang ospital sa Seoul, South Korea noong December 30.

Ayon sa unang pahayag ni Tippy, nasangkot sa vehicular accident ang kanyang mga magulang noong December 27, ang unang araw ng pagbabakasyon nila sa Seoul.

Sa isang interview, ikinuwento ni Tippy na nagtamo ng lima hanggang anim na fractured ribs at minor abdominal injury o trauma ang kanyang ama.

Ang kanyang ina naman ay dumanas ng rib bleeding, fractures at head injury.

Si Ginoong John ay kasalukuyang nagpapagaling sa ospital, habang si Ginang Happy ay na-comatose muna bago tuluyang binawian ng buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“She was unconscious, and ‘yung katawan niya, you can see that she was badly injured, but what was most heartbreaking the first time I saw her was how she’s not responsive, her tongue was just out, and she was on a ventilator,” paglalahad ng singer.

Dagdag pa niya, “That was just the most heartbreaking thing to see, and the doctors told us that she had a respiratory arrest, and that’s why she was unable to breathe for a time; that’s why she was in a coma.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending