PUMANAW na ang film producer na si Mother Lily Monteverde isang araw lamang matapos ilibing ang kanyang asawang si Leonardo “Father Remy” Monteverde. Siya ay 84 years old.
Kinumpirma ito ng kanyang anak na si Goldwin Monteverde sa ulat ng GMA. Turning 85 na sana si Mother sa darating na August 19.
Nag-post din si Sen. Grace Poe sa Instagram tungkol sa pagyao ng Regal Matriarch, kalakip ang kanilang photo together.
“I’m so sorry and sad to hear about Mother Lily’s passing. My Ninang Mother always believed in me and assured me whenever I doubted myself.
“She has helped so many and she will never be forgotten. She was, and will always be, a Titan in the Philippine movie industry.
“Our deepest sympathies and condolences to her family and loved ones,” ang buong post ng senadora.
Si Lily Monteverde ang may-ari ng Regal Entertainment na nakapag-produce na ng halos 300 na pelikula sa Pilipinas simula pa noong dekada 60.
Naulila nina Mother Lily at Father Remy ang kanilang mga anak na sina Roselle, Dondon, Meme at Goldwin Monteverde.
Ilan sa mga hindi malilimutang pelikula ni Mother Lily ay ang “Mano Po” anthology na nagsimula noong 2002 na sinasabing pa-tribute ng itinuturing na ring movie icon sa kanyang Chinese Filipino roots.
Ang iba pang hindi malilimutang pelikula na ipinrodyus ng Regal ay ang “Shake, Rattle & Roll” franchise, “Scorpio Nights”, “Sister Stella L”, Babaeng Hampaslupa” at marami pang iba.
Taong 2000 nang bigyan siya ng Lifetime Achievement Award ng Cinemanila International Film Festival habang noong 2019 ay ginawaran siya ng Fernando Poe Jr. Lifetime Achievement Award sa 37th Luna Awards.
Siya rin ang itinanghal na Producer of the Year sa kauna-unahang The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) para sa hindi matatawarang kontribusyon ng Regal Entertainment sa mundo ng telebisyon at pelikula.
Nito lamang July 29 ay sumakabilang-buhay ang kanyang asawang si Leonardo Monteverde, na mas kilala bilang “Father Remy” sa edad na 86 nang dahil sa pneumonia.
“To the Monteverde family, @motherlilymonteverde Meme, @roselle_monteverde @dondonmonteverde @rgmonteverde our deepest sympathies for the passing of Father Remy Monteverde.
“His legacy and contribution to Philippine cinema through Regal Films will always be remembered and recognized.
“He has championed Filipino Action movies and defined it for so many decades with such icons Lito Lapid and Ace Vergel headlining the marquee.
“Rest in peace, Father,” ang buong pahayag ni Direk Erik Matti sa kanyang social media post.