“TIGHT and sticky just like kakanin or rice cake.”
Ganyan inilarawan ng Korean ambassadress na si Lee Eun-hwa ang pagkakaibigan sa pagitan ng mga bansang Pilipinas at Korea.
Ngayong taon kasi ipinagdiriwang ang ika-75th years of friendship ng nasabing dalawang bansa, at bilang tanda nito ay naglunsad ng isang exclusive event ang Korean Cultural Center (KCC) in the Philippines.
Ito ay sa pamamagitan ng tinatawag nilang “PHL-KOR Culinary Heritage Exchange” na ibinibida ang iba’t-ibang klase ng kakanin ng ating bansa at rice cakes na mula naman sa Korea.
“These sweets aren’t just about satisfying our sweet tooth—they’re about preserving cultural heritage and family traditions,” sey sa naging speech ng ambassadress.
Paliwanag pa niya, “And just like how both Korea and the Philippines love using glutinous rice in desserts, I hope our nations’ relationship remains tight and sticky, just like suman or glutinous rice cakes.”
Baka Bet Mo: KCC pak na pak sa mga ‘libreng’ festivity ngayong Agosto, ano kaya ito?
Siyempre, nasaksihan ng BANDERA ang exclusive event kasama ang ilang piling media, pati na rin ang ilang Malaysian Embassy representatives.
Enjoy na enjoy kami sa gimik na ito ng KCC dahil natikman namin ang masasarap na mga kakanin at rice cakes na niluto at ginawa mismo nina Korean chef Lily Min at Pinay chef Reggie Aspiras.
Tuwang-tuwa kami sa inihanda ng Korean chef dahil talaga namang presentable at napaka-cute ng mga inihanda nilang rice cakes at drinks.
First time din namin itong natikman na kung saan ay nagulat kami dahil hindi siya katamisan at halos lahat ay tila may pagkakapareho ng lasa sa ilang mga kakanin natin.
Nagulat naman kami sa inihain ng Pinay chef dahil hindi basta-basta ang niluto at ginawa niya.
Ang ilan kasi dito ay nilagyan pa niya ng twists, katulad na lamang ng champorado na ginawang suman, pastil na ang kanin ay kimchi rice, Korean-inspired stuffed palitaw, at ‘yung puto na may halong blue Tarnate flower.
At hindi pa riyan natatapos ang pasabog ng KCC dahil nagkaroon pa ng cooking demo ang dalawang magkaibigang chef.
Ipinakita sa amin ni Chef Lily ang paggawa ng Injeolmi (glutinous rice cake coated with bean powder), Gaksaekdanja (assorted glutinous rice ball cake), at Ggulseolgi (white rice cake with honey).
Habang ang itinuro sa amin ni Chef Reggie ay ang Korean-inspired stuffed palitaw.
Alam niyo ba, pwedeng-pwede niyo rin maranasan ang cooking demos na ‘yan for free!
Yes, yes, yes mga ka-BANDERA libre lang ‘yang ino-offer ng KCC kaya abangan lang lagi ang kanilang updates sa social media kung paano makasali sa pa-activity nila.