2 GMA exec na inakusahan ni Sandro ng sexual abuse umapela sa publiko

2 GMA exec na inakusahan ni Sandro ng sexual abuse umapela sa publiko

NAHUSGAHAN na ang dalawang independent contractors ng GMA na sina Jojo Nones at Richard Cruz ng kahit hindi pa napatutunayang hinalay nga nila si Sandro Muhlach.

Bugbog-sarado sina Nones at Cruz sa mga netizens matapos umanong halayin at pasamantalahan ang Sparkle artist at panganay na anak ni Niño Muhlach sa loob ng isang kwarto sa hotel.

Kahapon, isinapubliko ng GMA na pormal nang nagsampa ng reklamo sa network si Sandro laban kina Nones at Cruz ngunit hindi na idinetalye pa ang nilalaman ng naturang complaint.

Kasunod nito, naglabas naman ng official statement ang kampo ng dalawang headwriter ng GMA 7 na inireklamo ni Sandro ng pang-aabuso sa pamamagitan ng kanilang abogadong si Atty. Maggie Abraham-Garduque.

Ayon kay Atty. Garduque, base sa report ng “24 Oras” kagabi, nalulungkot at nasasaktan sina Nones at Cruz dahil sa kaliwa’t kanang pambabatikos na natatanggap nila sa social media.

Baka Bet Mo: Xian Gaza nakisawsaw sa isyu ni Sandro, tahimik sa break up?

Hindi pa raw kasi napatutunayang may nagawa silang kasalanan ay nahusgahan na sila ng taumbayan na parang mga kriminal.

“Though these allegations do not mirror the true accounts of the event, we would like to reserve the right to respond in a proper forum when we receive a copy of the formal complaint.

“For the meantime, we urge the public to respect the investigation being conducted on this case and we advise people who have no personal knowledge of the incident to refrain from posting baseless defamatory allegations and therefore unfairly subjecting both parties to publicity trial,” sabi ng abogado nina Nones at Cruz.

Samantala, ayon naman sa ama ni Sandro na si Niño, naghahanda na sila sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga taong nang-abuso sa anak.

Sinabi pa ng aktor at dating child wonder na lalantad siya at magsasalita sa tamang panahon. Balitang plano rin daw magsallta ni Sandro kapag may resulta na ang imbestigasyon ng GMA.

Sinimulan na raw ng GMA ang kaukulang imbestigasyon hinggil sa insidente bago pa magsumite ng formal complaint ang panganay na anak ni Niño dahil sa “seriousness of the alleged incident.”

Nirespeto rin ng GMA ang pakiusap ni Sandro na huwag isapubliko ang mga detalye hinggil sa kanyang reklamo at sa isinasagawang imbestigasyon hangga’t wala pang pinal na resulta. Narito ang kabuuan ng official statement ng GMA Network.

“GMA Network has just received a formal complaint from Sparkle artist Sandro Muhlach against two GMA independent contractors, Jojo Nones and Richard Cruz.

“Recognizing the seriousness of the alleged incident, GMA Network had already initiated its own investigation even before receiving the formal complaint.

“Respecting Sandro’s request for confidentiality, the investigating body will withhold all details of the formal investigation until its conclusion.

“The Network assures the public and all stakeholders of its commitment to conducting this investigation with the highest standards of fairness and impartiality.”

Ni-repost naman ni Sandro ang statement ng GMA sa kanyang Instagram Story na umani ng sandamakmak na mensahe ng pakikisimpatya mula sa netizens

Nauna rito, nagbanta si Niño Muhlach laban sa mga taong hindi niya pinangalanan pero pinaniniwalaan ng marami na may kinalaman sa nangyari kay Sandro. Aniya, “INUMPISAHAN NYO, TATAPUSIN KO!”

Read more...