Heart proud sa ‘mistakes in life’: It has truly made me who I am today

Heart proud sa 'mistakes in life': It has truly made me who I am today

Heart Evangelista

“IKINAHIHIYA” ng Kapuso actress na si Heart Evangelista ang ilang pagkakamali at mga sablay na nagawa niya sa buhay noong kanyang kabataan.

Maraming pinagdaanang matitinding pagsubok si Heart pero in fairness, napagtagumpayan niya ang mga challenges na ito at proud siya sa kanyang sarili dahil talagang lumaban siya at hindi nagpatalo.

Ibinahagi ng wifey ni Senate President Chiz Escudero sa kanyang Instagram page ang isang panayam sa kanya kamakailan kung saan game na game niyang sinagot ang maiintrigang tanong.

Baka Bet Mo: Anak ng kobrador ng jueteng magna cum laude nang magtapos sa college: Hindi ko ikinahihiya ang nanay ko

Isa na rito ang question tungkol sa mahahalagang bagay at mga taong nawala sa kanyang buhay at kung paano niya ito hinarap at tinanggap.


“I’ve lost a lot in my life and I feel like you need to lose people, things, certain situations because you need to be whole on your own and I’ll never forget those. Those were building blocks for me to work on,” sagot ni Heart.

Sa tanong kung ano o saan siya pinaka-proud na nangyari o na-achieve niya sa life na hindi pa alam ng publiko, “Silently and to myself, would be the mistakes that I made in my life.

“Some, I’m ashamed, but that is something that I deal with on my own. But I wouldn’t neglect all of my hiccups in life because it has truly made me who I am today,” tugon ng Kapuso star at international fashion icon.

Baka Bet Mo: Xian Gaza umaming ginamit lang ang ex-dyowa, payo sa mga kabataan: ‘Huwag na huwag makikipag-live in sa murang edad’

Sa isang bahagi ng video, natanong din si Heart kung ano ang maipapayo niya sa kanyang younger self na dumaan sa matitinding hamon ng buhay.

“It’s gonna be okay. There are certain things that must happen because the future seems very promising. So, hold on tight, it will be an adventure,” sagot ni Heart.

Nauna rito, nabanggit naman ni Heart sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” kamakailan na hindi niya kayang mabuhay mag-isa kapag may nangyaring hindi maganda kay Chiz at iwan siya.


“If he goes, I go. You jump, I jump. I swear, ako na lang ang mauna! Hindi ko talaga kaya. Iiyak na naman ako. Hindi ko talaga kaya. Hindi talaga. Huwag naman,” ang emosyonal na sabi pa ng aktres.

Sundot na tanong ni Tito Boy, “You’re very emotional about it?” Tugon ng aktres, “Yes, because it is a cruel world. It’s a mean world.

“And without Chiz, I don’t know how will I survive because he’s my everything. Of course, God’s my everything, but mauna na lang talaga ako,” sabi pa niya.

Read more...