Misis ni Niño Muhlach binantaan ang mga ‘nambaboy’ sa anak

Misis ni Niño Muhlach binantaan ang mga 'nambaboy' sa anak

Niño Muhlach, Diane Abby Tupaz, Sandro Muhlach

Trigger warning: Mention of ‘kababuyan’, ‘pinagsamantalahan’

“HINDI KAMI MAKAKAPAYAG NA HINDI NAMIN MAKAKAMIT ANG HUSTISYA!” Yan ang nanggagalaiting pagbabanta ng asawa ni Niño Muhlach na si Diane Abby Tupaz.

Ito’y sa gitna ng kontrobersiyang pinag-uusapan ngayon sa social media hinggil sa isang blind item tungkol sa baguhang young actor na pinagsamantalahan umano ng dalawang “powerful gay executive” mula sa isang TV network.

Wala mang binabanggit sa mga naglabasang report sa mga news publication at online entertainment sites, kalat na ang balitang ang tinutukoy umamo sa blind item ay ang anak ni Niño na si Sandro Muhlach.

Baka Bet Mo: #JusticeForSandro trending, banta ni Niño: Inumpisahan n’yo, tatapusin ko

 

Sa pamamagitan ng Facebook, nag-post ang asawa ni Niño at stepmother ni Sandro ng mahabang mensahe para sa mga taong nangwalanghiya sa isa nilang kapamilya na hindi niya binanggit ang pangalan.

Ayon kay Diane, gagawin nila ang lahat para makamit ang hustisya at maparusahan ang mga taong nambaboy sa kanilang anak. Narito ang buong FB status ng misis ni Niño.

“PINALAKI AT ININGATAN NAMING MABUTI ANG AMING MGA ANAK NA PUNO NG PAGMAMAHAL AT PAG AARUGA TAPOS WAWALANG HIYAIN LANG NG MGA KUNG SINONG TAO NA NILAMON NG KADEMONYOHAN SA KATAWAN PARA MAGAWA YUNG GANUNG KLASENG KABABUYAN!

“HINDI KAMI MAKAKAPAYAG NA HINDI NAMIN MAKAKAMIT ANG HUSTISYA! HABANG BUHAY NA DADALHIN NG ANAK NAMIN YUNG KABABUYAN NA GINAWA NYO SA KANYA!

“WALA KAMING PAKIALAM KUNG SINO KAYO O KUNG SINO ANG POPROTEKTA SA INYO!

“SISIGURADUHIN NAMIN NA PAGBABAYARAN NYO YUNG GINAWA NYO! HINDI NAMIN HAHAYAAN NA MAY MABIKTIMA PA KAYO NA IBA!

“ITUTULOY NAMIN ANG LABAN! MANAGOT ANG DAPAT MANAGOT! NAKAKA NGINIG KAYO NG LAMAN!” ang matapang na pahayag ni Diane gamit ang hashtag #JUSTICESHOULDPREVAIL.

Nauna rito, nag-post din ng cryptic message si Niño sa kanyang FB page na pinaniniwalaang para sa mga taong nasa likod ng panghahalay sa kanyang panganay na anak.

Sabi ng dating child wonder,  “INUMPISAHAN NYO, TATAPUSIN KO!”

Ni-repost ito ng ilang kapamilya nina Niño, kabilang na ang aktor na si Andrew Muhlach at anak nina Aga Muhlach at Janice de Belen na si Luigi Muhlach.

Read more...