SI Rolly Ronatay, isang 38-taong gulang na single father na taga-Albay, ay naging inspirasyon sa maraming Pinoy.
Kasalukuyan siyang naninirahan sa Valenzuela para magtrabaho at sinusuportahan ang tatlong anak at mga magulang na nasa Albay, Bicol pa rin.
Noong 2016, nagbago ang buhay ni Rolly nang mawalan siya ng kanang binti dahil sa aksidente sa motor. Ngunit sa kabila nito, patuloy siyang nagtatrabaho sa construction at kumikita ng P550 kada araw, pero hindi raw laging may trabaho dahil on call siya.
Baka Bet Mo: Rhian, Sam magkasama na sa GMA 7, chinika ang love story nila: ‘Pareho ang gusto namin…’
Nangangailangan ng lakas ang kanyang trabaho, at madalas na sinusubok ang kanyang kakayanan dahil sa kapansanan.
Sa apat na taon niyang paninirahan sa Metro Manila, dalawang beses lang nakabalik si Rolly sa probinsya, pinipiling mag-ipon ng pera imbes na gastusin sa pamasahe. Pero, determinado siyang umuwi ngayong taon para dumalo sa graduation ng kanyang panganay na anak.
Aminado si Rolly na mahirap ang kanyang trabaho at lalo pang pahirap ang kanyang kapansanan. Madalas siyang hinuhusgahan ng mga tao sa paligid, pero nananatili siyang nakatuon sa pagbibigay ng magandang buhay para sa kanyang pamilya.
“Hindi maiiwasan na madisgrasya ako sa trabaho. Hirap na hirap na ako sa trabaho ko, napapagod na din talaga ako,” ang kanyang sabi. Pero palagi niyang iniisip na ang kanyang pagsisikap ay para sa kanyang pamilya.
Kamakailan lang, kumalat ang kwento ni Rolly sa social media, kaya’t marami ang tumulong sa kanya. Isa na rito si Dr. Erik, na nagbigay sa kanya ng prosthetic legs. Pero, delikado para kay Rolly na gamitin ito habang nagtatrabaho.
Naantig si Sam “SV” Verzosa, host ng public service program na “Dear SV,” sa kwento ni Rolly. Binisita niya ito sa construction site at naranasan mismo ang hirap ng trabaho ni Rolly. Ibinahagi niya ang kwento ni Rolly sa mga manonood.
Baka Bet Mo: Carla Abellana kinaya ang matitinding pagsubok sa buhay; ipinatatayong dream house matatapos na sa 2023
Bilang sorpresa, dinala ni SV ang pamilya ni Rolly mula Albay papunta sa Manila.
Nagbigay din si SV kay Rolly ng grocery package, school supplies para sa mga anak, at bagong saklay. Para matupad ang pangarap ni Rolly na magkaroon ng sariling negosyo, binigyan siya ni SV ng sari-sari store na puno ng paninda at kagamitan para sa karinderya.
Bukod dito, nangako si SV na ibabalik ang pamilya ni Rolly sa Albay para hindi na siya kailangang magtrabaho sa construction sa Manila.
Para maging memorable ang huling araw nila sa Manila, ipinasyal ni SV ang pamilya ni Rolly sa Star City, para makabuo ng magagandang alaala bago sila bumalik sa Albay.
Ang paglalakbay ni Rolly mula sa hirap patungo sa pag-asa ay patunay ng kanyang determinasyon at ang kapangyarihan ng pagtutulungan ng komunidad.
Ang kanyang kwento ay nagbibigay inspirasyon sa marami, na kahit sa harap ng pagsubok, posible pa rin matupad ang mga pangarap.
“Tunay na inspirasyon si tatay Rolly dahil pinapatunayan niya na walang kapansanan ang dapat magtakda ng limitasyon sa mga kaya nating gawin sa buhay,” ani SV.
“Sana magsilbi ang kwento niya bilang aral sa atin at ibahagi sa iba ang positibong pananaw sa buhay,” aniya pa.
Related Links:
@samverzosaofficial Deserve nyo lahat ng tulong na ito Tatay Rolly ng Albay sa Bicol. dahil sa sakripisyo mo para sa mga mahal mo sa buhay. Ibang klase ang determinasyon mo matulungan lang ang iyong pamilya sa probinsya. #DearSV #SV #BatangSampaloc