Kim Chiu tinanghal na Outstanding Asian Star sa Seoul: ‘Korea here I come!’

Kim Chiu tinanghal na Outstanding Asian Star sa Seoul: 'Korea here I come!'

PHOTO: Instagram/@chinitaprincess

ABA, talagang palaban ang Kapamilya actress na si Kim Chiu kahit sa ibang bansa.

Siya kasi ang nagwaging “Outstanding Asian Star” sa 2024 Seoul International Drama Awards!

Ang masayang balita ay ibinandera mismo ni Kim sa kanyang Instagram page kamakailan lang.

Proud niyang ipinakita ang invitation letter mula sa award-giving body na sinasabing siya ang nagwagi sa nasabing kategorya.

“Thank you for your submission to Seoul International Drama Awards 2024.This invitation is sent to the winners of SDA 2024,” saad sa ipinadala ng organization committee.

Baka Bet Mo: Kim Chiu, Jackie Gonzaga nag-iyakan dahil sa mga ex-dyowa

Dagdag pa, “On behalf of all the judges and the organizing committee, we would like to congratulate you all on the award.”

Sa caption, ramdam na ramdam ang kasiyahan ni Kim at inamin na hindi siya makapaniwala sa matatanggap niyang pagkilalal, “I got the news today! [holding back tears, folded hands emojis] I am lost for words…”

“Beyond thankful, grateful, and extremely happy!!! I can’t believe this is happening,” patuloy niya.

Kasunod niya ay nagpasalamat na siya sa lahat ng tumulong at sumuporta sa kanya, kabilang na ang ABS-CBN, Dreamscape, at lahat ng kanyang supporters.

“I am very lucky to have you all behind and beside me. Thank you for making this possible! [crying, folded hands, trophy emoji],” mensahe niya.

Aniya pa, “My heart is full!!! [red heart emoji] MARAMING MARAMING SALAMAT PO! [folded hands emoji].”

Bandang huli ay kinumpirma niya na pupunta siya sa South Korea upang tanggapin ang award.

“KOREA HERE I COME! [South Korean flag, airplane emojis] Sa SOUTH HA? Hihi,” aniya.

Para sa kaalaman ng marami, tinalo ni Kim ang limang iba pang sikat na Asian stars sa pamamagitan ng global poll na pagbobotohan ng fans.

Kabilang sa listahan ang Thai stars na sina Blue Pongtiwat Tangwancharoen at Poompat Iam-samang, ang Malaysian actress na si Emily Chan, ang Singaporean award-winning actor na si Desmond Tan at Indonesian actress na si Ochi Rosdiana.

Ang Seoul International Drama Awards 2024 Awards Ceremony ay nakatakdang mangyari sa KBS Hall, Seoul, South Korea sa September 25.

Read more...