Sarah G nagpugay sa rescue teams ng bagyo kasabay ng 36th b-day

Sarah G nagpugay sa rescue teams ng bagyo kasabay ng 36th b-day

PHOTO: Instagram/@justsarahgph

NAKIISA ang Asia’s Popstar Royalty na si Sarah Geronimo sa mga naging biktima ng Typhoon Carina kasabay ng kanyang ika-36th birthday noong Huwebes, July 25.

Bukod sa nagpaabot siya ng dasal sa pamamagitan ng social media ay nagbigay-pugay din siya sa volunteers at rescuers na nagtulong-tulong para sa mga apektado ng bagyo.

Sa Instagram post ng veteran singer, ibinandera niya ang ilang art cards ng emergency hotlines at donation drive para sa mga nakaranas ng hagupit ng bagyong Carina.

Caption niya sa IG, “As I celebrate my birthday and blow out my candles, my heart also goes out to those affected by Typhoon Carina.”

“Ipinagdarasal ko po lahat ng ating mga kababayang nasalanta ng bagyo at ngayon ay sinusubukang makabangon muli,” wika pa ng mang-aawit.

Baka Bet Mo: Sarah G miss na miss nang umarte, ano bang hinahanap sa proyekto?

Patuloy niya, “Gusto ko rin magbigay-pugay sa ating mga matatapang na rescue teams na patuloy na nag-aalay ng kanilang buhay para siguraduhing ligtas ang lahat—pati na rin ang ating mga alagang hayop.”

“Napakalaki ng respeto ko sa mga kababayan natin na di pinabayaan ang kanilang mga alagang hayop sa kabila ng peligro na dulot ng bagyo,” ani pa ni Sarah at sinabing sila ang tunay na mga “superheroes.”

Nanawagan din ang Asia’s Popstar Royalty na patuloy na suportahan ang ongoing relief operations ng mga kababayan nating biktima ng bagyo.

Samantala, punong-puno ng pagmamahal ang birthday greeting ng aktor na si Matteo Guidicelli para sa misis niyang si Sarah.

“Wishing you all the happiness, love, smiles, joy, laughter, and music in the world!” sey niya sa kanyang IG page.

“I’ll always be here right beside you to support you, and I’ll be cheering you on as you chase your dreams!” lahad pa niya, kalakip ang ilang litrato nilang mag-asawa.

Kung matatandaan, ikinasal sina Matteo at Sarah noong February 2020 sa isang secret wedding.

Read more...