Yam Concepcion buntis na sa first baby nila ni Miguel CuUnjieng

Yam Concepcion buntis na sa first baby nila ni Miguel CuUnjieng

Miguel CuUnjieng at Yam Concepcion

BUNTIS na ang Kapamilya actress na si Yam Concepcion sa first baby nila ng kanyang non-showbiz husband na si Miguel CuUnjieng.

Ibinandera ni Yam ang good news sa publiko ngayong araw, July 28, sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Nag-share ang aktres ng mga litrato nila ni Miguel na kuha sa pagbabakasyon nila sa Bahamas kung saan lumangoy daw sila kasama ang mga pagong with her growing baby bump.

Makikita rin sa isang photo na ibinahagi ni Yam sa IG ang asawang si Miguel na nakaluhod sa kanyang harapan habang hinahalikan ang baby bump ng aktres.

Baka Bet Mo: Yam nagpakasal na kay Miguel CuUnjieng sa New York; sa halip na bulaklak, alagang aso ang bitbit

Ang maikling caption na isinulat ni Yam sa kanyang Instagram post ay, “Stingrays, turtles, pigs and a bump.”

Bumuhos naman ang mga pagbati para sa mag-asawa mula sa mga netizens at kaibigan sa showbiz kabilang na sina Ria Atayde, Small Laude, Jason Abalos, Iza Calzado, Sunshine Cruz, Jhong Hilario, Zsa Zsa Padilla, Sue Ramirez, Hero Angeles, Vhong Navarro, Melai Cantiveros at narami pang iba.


Samantala, nag-post din ang husband ni Yam sa comments section ng kanyang post kung saan inilarawan niya ang asawa bilang isang “dream come true.”

Baka Bet Mo: After 9 years, wish ni Yam na makatambal si Gerald natupad na; palaban pa rin sa hubaran

“You are my dream come true, and I’ll never know how I got so lucky.

“I’m so excited for all our future adventures, and there’s no better way to close this chapter of our story than with this amazing week in paradise…” aniya.

Hindi na rin daw siya makapaghintay na maging big sister ang kanilang unang anak sa fur baby nilang si Tiny, “I love you more than words can say, and I can’t wait for (Tiny) to be a big sister.”

Ikinasal sina Yam at Miguel noong July 26, 2021, after ng engagement nila taong 2018. Nagpunta sila sa The Bahamas para sa kanilang third wedding anniversary celebration.

Read more...