Luke Wrightson muling nag-propose kay Kaladkaren: Sobrang gulat ko!

Luke Wrightson muling nag-propose kay Kaladkaren: Sobrang gulat ko!

Luke Wrightson at Kaladkaren

SA ikalawang pagkakataon ay muling nag-propose kay Kaladkaren ang kanyang fiancé na si Luke Wrightson sa London.

Ito’y base sa post ng host-actress sa kanyang Facebook account kagabi, 9 p.m. sa Pilipinas at 3:03 p.m. naman sa UK.

Tsinek namin ang lugar kung saan muling nag-propose si Luke at base sa larawang ipinost ni Kaladkaren o Jervi Li sa tunay na buhay, ay sa Big Ben & Parliament at pagkatapos ay tumawid sila at sapol ang Big Ben.

Baka Bet Mo: OK lang ba kina Agot, Nikki at Romnick na magkaanak ng bading o lesbian?

Ang caption ni Kaladkaren sa mga larawan nila ni Luke sa IG ay, “Proposal 2.0!!! Heart is full, hand is heavy!


“The Wrightsons, Luke and I got engaged in the middle of pandemic, 4 years ago. It was just us two locked down in our apartment and we didn’t even have the chance to have a proper photo shoot until now.

“I thought it was just an ordinary prenup shoot! Sobrang gulat ko nang muli siyang nag-propose here in our favorite city at may ring upgrade!!!! Huhuhu Worth the wait! You make me the happiest, my love!

“Captured moments by @niceprintphoto @thirdyado @charissetinionp.”

Napanood namin ang video na in-upload noon ni Kaladkaren sa kanyang YouTube channel kung saan nag-propose si Luke sa kanya noong September, 2020 sa terrace ng bahay nila at nag-selfie lang sila, sabay inom ng wine together.

Baka Bet Mo: Kaladkaren pwede nang ituloy ang naunsyaming pagpapakasal sa kanyang British fiancé sa UK

As of now ay 10 years nang magkarelasyon sina Luke at Karen at kahit na minsan ay LDR o long distance relationship sila ay nagagawan pa rin nila ng paraan dahil kapag walang ganap ang huli dito sa bansa ay lumilipad siya para samahan si Luke at kapag hindi rin abala sa work ay nagpupunta naman dito ang guy.

Grabe, halos isang oras palang nag-post si Karen ay trending na agad siya dahil umabot na ito sa 157 shares, 2,300 plus engagements at almost 300 comments.


Binasa namin ang lahat ng komento at iisa ang sinasabi, “congratulations, love wins, at nagpatahi na ako ng gown.”

Samantala, simula nang mag-showbiz si Kaladkaren ay wala kaming narinig na negatibo sa kanya dahil ang husay daw makisama at napakabait at higit sa lahat marunong magpasalamat sa mga taong tumulong sa kanya kahit sa maliit na bagay.

Maging ang co-actors niya sa ilang pelikulang nagawa ay puring-puri si Kaladkaren dahil generous at very professional daw.

Wala na kaming masabi kundi, “SANA ALL”  sa lahat ng aktres sa kapwa nila katrabaho sa pelikula o serye.

Congratulations Jervi and Luke.

Read more...