Osang todo dasal habang hinahagupit ni Carina ang NCR, hindi nakatulog

Osang todo dasal habang hinahagupit ni Carina ang NCR, hindi nakatulog

Rosanna Roces

ISA rin sa mga nanalanging huminto na ang malakas na ulan kahapon dulot ng bagyong Carina at habagat ay ang aktres na si Rosanna Roces.

Umabot din kasi sa gate ng kanilang bahay ang tubig-baha base na rin sa video na ipinadala niya sa amin.

Sa isang subdivision sa Cainta nakatira sina Osang kasama ang pamilya niya na sa pagkakaalam namin ay mataas na lugar na pero inabot pa rin ng baha.

“‘Yan ang harap namin Reggee, so mukhang hindi ako makakatulog nito ng magdamag pag ganito (hindi humihinto ang ulan).

Baka Bet Mo: Rosanna Roces nakatanggap ng diamond earrings sa kanyang kaarawan: Masarap pala ‘pag ikaw binibibigyan

“Yung sasakyan nailagay ko na sa clubhouse. At nag-text sa akin na dapat i-park ko sa ____ (pangalan ng lugar), e, malalim na ‘yung baha nu’ng sinabi sa akin.

“Hindi ko naman puwedeng iwan ‘tong bahay,” ang kuwento ni Osang nang maka-chat namin sa Facebook messenger kahapon sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan.

Mabuti na lang daw at nakapamili siya ng pagkain nila at nagulat na lang daw siya pagbalik ng bahay bago mag-alas dose ng tanghali kahapon ay mataas na ang tubig.


“Lumabas pa ako kanina, eh. Bumili ako ng pang champorado, pang sopas, tocino, ‘yung mga madaling (lutuin) kung sakaling magtutuloy-tuloy ‘to (ulan).

“Pati itlog pagkain ni Lebron (alagang piglet), pagbalik ko ayun na (may baha). Naku, heto malakas na naman ang ulan!” kuwento sa amin ni Osang.

Baka Bet Mo: Osang gusto pang magka-baby; pangtanggal stress ang mga anak nina Anne, Solenn at Coleen

Ipinost din ng aktres ang mga pinamili niya sa kanyang FB account na champorado, isda at pangsalad.

Sa ngayon ay humupa na ang tubig-baha sa ilang bahagi ng Metro Manila at huminto na rin ang pag-ulan.

Wala pa ring pasok ang mga tanggapan ng gobyerno at mga paaralan sa National Capital Region at mga kalapit probinsya.

Read more...