Baha update ni Ninong Ry: ‘6 inches pa bago abutin ang 2nd floor namin’

Baha update ni Ninong Ry: ‘6 inches pa bago abutin ang 2nd floor namin'

PHOTO: Instagram/@ninongry

MAY update ang content creator na si Ninong Ry sa nararanasang baha sa Malabon City.

Ayon sa kanya, halos abutin na ng baha ang second floor ng kanilang bahay.

“Nasa 2nd floor po kami. Di pa naman inaabot. 6 inches pa naman bago abutin pero mukhang bumababa na naman po ang baha,” wika niya sa Instagram Story.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng mga nag-aalala at nangangamusta sa kanila.

“Salamat po sa lahat ng friends, family, brands, and agencies na nangangamusta po sa amin. Yes ok lang po kami,” sey niya.

Ani pa ng vlogger, “Ingat po kayong lahat! Salamat po!”

Baka Bet Mo: Michael de Mesa 17 oras stranded dahil sa baha, inaatake na ng anxiety

PHOTO: Instagram Story/@ninongry

Magugunita noong July 23 nang unang ibinandera ni Ninong Ry ang ilang litrato at video na ipinapakitang pinasok na ng baha ang kanyang bahay.

“Balita ko ‘di na kayo binahaba sa Malabon ah? Kami na tiga-Malabon:” caption niya.

Makalipas ang isang araw ay muli niyang ipinakita ang pagtaas ng baha sa kanilang lugar na umabot na hanggang baywang.

Sambit niya sa post, “I’m trying my best to stay positive pero habang palubog ng palubog ang i*lo* ko, pahirap ng pahirap.”

Sa hiwalay na post, ginawan pa niya ng katatawanan ang kalagayan nila sa gitna ng pananalasa ni Typhoon Carina.

“Naku, baha na. Sara natin baka pumasok ‘yung tubig,” biro niya sa IG, kalakip ang isang video na isinasara ang pintuan ng kanilang bahay.

Sa comment section, maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang concern sa vlogger.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“My gosh. Stay safe Ninong. Hope the water subsides soon.”

“‘Yung start ng video kala ko Amazon river, ingat po”

“Parang nasa Amazon rainforest ka pag labas ng pinto”

“I love the humor. Keep safe po. May baby pa naman kayo diyan.”

“Aalamat sa positivity, ser [red heart emoji]…ingat tayong lahat po…[folded hands emoji]”

“Ninong Ry, make sure niyo po magpacheck sa hospital para macheck po kayo mabigyan antibiotics, lalo na nababad kayo sa baha. Ingat po kayo.”

Read more...