Ninong Ry naranasan ang hagupit ni #CarinaPH, nalubog sa baha

Ninong Ry naranasan ang hagupit ni #CarinaPH, nalubog sa baha

Therese Arceo - July 23, 2024 - 11:04 PM

Ninong Ry naranasan ang hagupit ni #CarinaPH, nalubog sa baha

HINDI nakatakas sa hagupit ng bagyong Carina ang content creator na si Ninong Ry matapos pasukin ng baha ang kanilang bahay sa Malabon.

Ibinahagi niya ngayong araw sa kanyang Facebook page ngayong araw, July 23, ang mga larawan at video na kuha mula sa kanyang tahanan sa Malabon City.

“Balita ko di na kayo binahaba sa Malabon ah? Kami na tiga Malabon:” caption ni Ninong Ry.

Marami naman sa mga netizens ang nagpaabot ng kanilang concern para sa kilalang social media personality.

Baka Bet Mo: Ninong Ry ayaw magpagupit para mabago ang itsura, tanggap nang mukhang mabaho at hindi naliligo

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Mag Antipolo ka Ninong Ry never binaha dito bahain man panigurado lubog na ang Manila..keep safe po,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “ingat po baka maabot ang mga saksakan ng kuryente,ma ground po kayo..wala na kaming ninong.”

“I feel you po. Sa amin pag malakas ulan nabaha na dn sa loob ng bahay.. Ingat,” sey naman ng isa.

May ilan naman na nagbahagi rin ng kanilang karanasan habang binabagyo rin sa kanilang lugar.

“Kami din po ninong ry dito sa malabon fish port,” chika ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi naman ng isa, “Dito din sa binan laguna baha na din.”

Sa comment section ay nag-update pa si Ninong Ry na mas tumaas pa ang tubig na pumasok sa kanyang kusina na sikat sa kanyang vlog kung saan siya nagluluto.

Sa kabila nito ay good vibes pa rin ang naging hatid ng social media vlogger habang nagtse-check ng mgaa gamit at lugar na naapektuahn ng baha.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending