ANG negosyanteng si Alvin Chu Teng ay opisyal nang may hawak ng timon bilang ika-45 pangulo ng prestihiyosong Rotary Club ng Bagumbayan Manila sa katatapos lamang na 44th Handover at 45th Induction Ceremonies.
Ito’y ginanap noong Hulyo 19 sa Wack Wack Golf and Country Club. Siya ay pumalit kay dating Pangulo Jojo Uy Ching.
Baka Bet Mo: Jeron Teng engaged na kay Jeanine Tsoi: I’m the luckiest to have you, I love you forever!
Si Teng ay lubos na masigasig sa kanyang pangunahing inisyatiba na mag-Pakilala ng mga gamified outreach programs sa kanyang termino.
Sa pamamagitan ng pag-incorporate ng interactive at engaging na mga elemento sa kanilang mga proyekto ng serbisyo, inaasahan niyang makakapang-akit at makakapag-udyok ng mas maraming kabataan na sumali sa kanilang club.
Ito ay tiyak na magbubunga ng bagong henerasyon ng masigasig at tapat na Rotarians. Sa kanilang pinakabagong outreach program nito lang Hulyo, ipinakilala niya ang paggamit ng GG Trucks na may bitbit na malalaking mobile LCD monitors na agad na pumatok sa mga kabataan.
Si Hans “Chiko” Sy Jr., SM Head of Engineering and Design, ay naroon upang magbigay ng kanyang pagbati at suporta sa kanyang malapit na kaibigan. Ang kanyang ama, si Hans Sy, Chairman ng China Banking Corporation, ay naroon din sa pagdiriwang at nagbigay din ng taos-pusong pagbati sa kanilang souvenir program.
Baka Bet Mo: Beteranang beauties sasabak sa unang Miss Rotary pageant
Inihayag pa ng nakababatang Sy na si Teng, bilang isang lingkod-bayan na sa ngayon sa Rotary, ay iaangat pa ito sa mas mataas na antas sa pamamagitan ng pagtakbo sa kongreso sa darating na pambansang halalan.
Nais ni Teng na ayusin ang mga suliranin ng ating nakababahalang lagay ng transportasyon upang maging mas mabisa para sa publiko. Ito ay tyak na magdudulot ng pagiging mas produktibo at progresibo ang kanilang pang araw araw na pamumuhay.
Dala ni Teng ang kanyang malawak na kaalaman at karanasan sa kanyang mga tungkulin bilang CEO ng pinakamalaking cellphone retailer sa bansa, ang CellBoy na may 200 sangay at 1,000 empleyado sa buong bansa.