Anak ni Dani na may speech disorder nagsasalita na, ready na sa Baby 2

Anak ni Dani na may speech disorder nagsasalita na, ready na sa Baby 2

Dani Barretto at Millie

MASAYANG ibinalita ng content creator na si Dani Barretto na nakapagsasalita na ngayon ang 4-year-old nilang anak ni Xavi Panlilio.

Ayon sa anak nina Marjorie Barretto at Kier Legaspi, napakalaki ng improvement sa pagsasalita ni Millie matapos sumailalim sa therapy after nitong ma-diagnose ng speech disorder.

Baka Bet Mo: Asawa ni Dani Barretto may bwelta sa mga bashers: ‘Nobody can break a happy home’

“Millie has developed so much with her speech. She suffered with speech delay for basically her whole life.


“So itong year, last year, she started talking. And then this year, improving na.
Nakikipagkwentuhan na sa amin, nagsasalita na, may conversation na,” pahayag ni Dani sa isang interview.

Ngunit nilinaw naman ni Dani na parang hindi pa ito ang tamang panahon para ipasok sa big school ang kanilang anak,
“We want her to fully develop muna with her speech before ipasok namin siya sa big school. Para hindi din siya mahirapan.”

Hands-on nanay pa rin daw siya hanggang ngayon dahil ayaw niyang iasa sa ibang tao ang pag-aalaga sa anak, “Meron kasi siyang day job (si Xavi) so ako naghahatid sa kanya (Millie).sa school.

Baka Bet Mo: Dani Barretto hindi pala invited sa party ni Alex Gonzaga, may samaan kaya ng loob?

“But on different days he takes her to therapy parang hindi pa rin talaga namin kayang iasa sa ibang tao. So kami pa rin ‘yung nag­hahatid sundo sa kanya sa therapy, sa school or whatever activities. We always make it a point na priority talaga siya, si Millie,” ani Dani.


Sa ngayon ay ipinagbubuntis ni Dani ang ikalawang anak nila ni Xavi, and this time, they are expecting a baby boy.

At handang-handa na rin daw silang magka-baby uli, “We thought we weren’t at first. Because we really didn’t plan to have a baby this year. Although it’s God’s will and we’re so grateful.

“Because when we found out that it was a boy, we were like, okay, we’re done. We’re done. We’re happy because I think ever since we found out then that we were expecting, parang tuluy-tuloy din naman ‘yung blessings sa aming dalawa and sa family namin.

“So parang binack up-an kami ni God, ako bahala sa inyo,” sabi ni Dani na limang taon na ring kasal kay Xavi.

Read more...