Gerald lumusong sa baha para tulungan ang na-trap na pamilya sa QC

Gerald lumusong sa baha para tulungan ang na-trap na pamilya sa QC

Gerald Anderson (Screenshot from Twitter)

MATAPANG na sinuong ng Kapamilya actor na si Gerald Anderson ang malalim na tubig-baha upang saklolohan ang isang pamilya sa Quezon City.

Sa kasagsagan ng matinding pag-ulan dulot ng bagyong Carina na sinabayan pa ng habagat, hindi nagdalawang-isip si Gerald na tulungan ang na-stranded na pamilya sa Barangay Sto. Domingo, Quezon City.

Sa isang video na kumalat sa social media, makikita ang aktor na lumusong sa hanggang dibdib na baha para makapasok sa isang bahay na lubog na sa tubig

Baka Bet Mo: NDRRMC: 6 nawawala sa Eastern Visayas dahil sa patuloy na pag-ulan

Inayos muna nito ang ilang gamit sa bahay na lumubog na rin sa tubig saka kinuha at kinarga ang isang bata para i-rescue ito at ang iba pang na-trap doon.


Ayon kay Rachelle Joy Cabayao, ang nag-upload ng video sa social media, ang kanyang kapatid ang nagpadala sa kanya ng naturang footage.

Aniya, halos tatlong oras na raw naghihintay ng tulong ang kanilang pamilya sa nasabing lugar hanggang sa dumating na nga ang grupo nina Gerald para magbigay ng assistance.

Baka Bet Mo: Angel ‘superhero’ ni Liza: I really wanted a job that could help people…

“Mga 11 a.m., nag-ask na sila sa barangay. Kaso, hindi nila ma-contact, then tumawag ulit sila. Wala pa daw available na boat. Mga 1:30 p.m., si Gerald nag-rescue sa kanila,” ang pahayag ni Cabayao sa ulat ng ABS-CBN.

Ayon pa sa report, may pag-aaring basketball court daw ang Kapamilya actor sa naturang barangay.

Pinuri naman ng mga netizens ang pagpapakabayani ni Gerald sa gitna ng kalamidad sa NCR at mga kalapit probinsya. Sana raw ay marami pang matulungan ang aktor sa mga nasalanta ni Carina.

Ilang oras pa lamang ang nakararaan, ay nagdeklara na ang Metro Manila Council na isailalim na sa state of calamity ang buong National Capital Region dahil sa tindi ng epekto ng Bagyong Carina.

Read more...