Kathryn Bernardo dinagsa ng fans sa airport, kinumpara sa BINI?

Kathryn Bernardo dinagsa ng fans sa airport, kinumpara sa BINI?

MARAMI sa mga tagasuporta ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo ang tumungo sa Ninoy Aquino International Airport sa kabila ng hindi magandang lagay ng panahon para makita ang aktres.

Tutungo kasi ang aktres papuntang Canada para sa shooting ng pelikula nila ni Alden Richards na “Hello, Love, Again” ngayong Miyerkules ng umaga.

Sa kabila ng masungit na panahon ay makikitang todo ngiti pa rin si Kathryn sa mga fans na na sinadya siya sa airport.

Marami rin ang personal na nagpaabot ng kanilang mensahe na mag-ingat ang dalaga at ipinagdarasal ang kanyang safe flight dahil kasagsagan mg bagyong Carina.

Baka Bet Mo: Jericho basted kay Kathryn kaya pinormahan si Janine?

Sa ibinahaging ulat ng ABS-CBN news ay makikitang simple lang ang get up ni Kathryn. Nakapusod ang buhok nito at tila wala o light lang ang make up.

Marami naman sa mga netizens ang hindi maiwasang makumpara ang dalaga sa sumisikat na nation’s Ppop group na BINI.

Ang main comparison ng mga netizens ay ang outfit ng mga dalaga dahil walang kahit na anomg pagtatakip gaya ng cap o mask si Kathryn.

Matatandaang naging viral ang BINI matapos usisain ng netizens ang outfit nito mung saan balot na balot at tila ginagaya raw ang mga sikat na Korean idols.

“Ito ngang si Kathryn super sikat pero d manlang magmask or itago ang katauhan nya pero ang bini hahaha ayaw ko ng mag talk,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Sikat Pero Hindi sya nag Mask .Pero Yung Bini Hindi Panga masyadong Sikat . Tudo Takip na ng Mask.”

“Maganda kse si kathryn kaya di na kailangan itago yung mukha,” hirit naman ng isa.

Samantala, wala namang pahayag o reaksyon ang BINI maging si Kath hinggil sa pagkukumpara ng madlang pipol.

Read more...