Diana Zubiri kay ex-mayor Abalos: Forever po akong thankful at sorry na

Diana Zubiri kay ex-mayor Abalos: Forever po akong thankful at sorry na

Diana Zubiri

MULING nag-sorry on national TV ang Kapuso actress na si Diana Zubiri sa dating alkalde ng Mandaluyong na si Benjamin Abalos, Jr..

Ito’y may koneksyon pa rin sa kanyang controversial FHM shoot sa EDSA Crossing flyover na nangyari noong October, 2002.

Sa Tuesday episode ng “Fast Talk with Boy Abunda,” nabanggit uli ni Diana ang tungkol sa naturang pictorial kung saan nauwi pa nga sa demandahan ang isyu.

Baka Bet Mo: ‘Lampungan’ photos nina Ellen at Derek sa beach binanatan ng netizens: Mahiya naman kayo!

Ayon sa isa sa apat na original Sang’gre ng hit fantast series ng GMA 7 na “Encantadia”, hinding-hindi raw niya makakalimutan ang naturang insidente pero nais na rin daw niyang lagyan ito ng closure.


Mensahe niya sa dating alkalde ng Mandaluyong, “To Mayor Abalos, forever po akong thankful at sorry na.”

Na-settle naman ang kaso nang mag-apologize ang FHM at pumayag na i-edit ang mga litrato ni Diana sa final release.

Sey ni Diana sa naunang panayam, talagang naka-two-piece bikini lang siya sa flyover pictorial pero naka-boyshorts na siya nang lumabas ang magazine.

“Nag-shoot kami sa EDSA, sa Mandaluyong, ‘yung flyover. Noong nag-shoot kami, nakabikini ako talaga.

“So noong nagalit sila at nagkaroon ng issue, hindi ko raw pwedeng ilabas ang totoong suot. So in-edit nila. Pero naka-bikini talaga ako,” ani Diana.

Baka Bet Mo: Boss Toyo ‘tumangkad’ dahil kay Diana; Encantadia costume bibilin ng P500k

Naikuwento rin niya kung bakit siya pumayag sa nasabing pictorial, “Ang deal ko sa kanila is gagawin ko ang photoshoot kapag may (Nokia) 6750, ‘yung unang cellphone na may camera, ‘yan ‘yung parang gift nila sa akin.


Samantala, inamin naman ni Diana na hindi siya totally happy noong sumabak siya sa mga sexy projects.

“Happy? Medyo hindi masyado, kasi bata ako noong magsimula. I was just doing that kasi siyempre ‘yun ‘yung stepping stone ko, gusto ko talagang mag-artista noong time na ‘yun.

“Doon ako dumaan, and hindi ko masasabing alam na alam ko ang ginagawa ko.

“Mahirap kasi at that age, hindi pa ako mulat sa kung ano siya, wala pa akong masyadong idea kung paano ang gagawin ko,” paliwanag ni Diana na sumikat nang todo nang mapasama sa unang version ng “Encantadia” (2005) as Danaya.

“Kaya happy ako na nag-transform ang image ko agad-agad,” aniya pa.

Read more...