“GUSTO ko namang magka-family of my own, pero sana hindi naman ganu’n kahirap kagaya kay Camille kasi battered wife siya.”
Ito ang sagot ni Yuki Takahashi o mas kilala bilang si Camille sa seryeng “FPJ’s Batang Quiapo” na pinagbibidahan ni Coco Martin.
Sa solong panayam ng aktres sa “Ogie Diaz Inspires” vlog na uploaded na sa YouTube ay natanong kung may plano ring magbuntis si Camille considering na mahirap pala base sa role niya sa naturang serye.
Aminadong mahirap nga nang ipaalam na buntis siya sa kuwento ng “Batang Quiapo” ay noon pang Hunyo, 2023, pero base sa timeline ng serye ay 40 days palang ito kaya hindi pa siya nanganganak.
Baka Bet Mo: TikTok star Yukki Takahashi 3 beses nang nabigo sa pag-ibig, na-trauma na nga ba sa mga lalaki?
Battered wife si Camille ng live-in partner niyang si McCoy de Leon na mas kilala bilang si David.
“Physical abuse, emotional abuse, so, sana in the future pag ikakasal ako hindi ako makahanap ng ganu’ng klaseng tao,” saad ni Yuki.
Dagdag pa, “Sobrang hindi makatao (David). Imagine mo buntis tapos sasaktan mo physically, for what?”
Martyr ang role ni Yuki sa “BQ”, “’Yun nga po may mga ganu’ng tao kumbaga ang tawag kay David narcissistic na kahit anong gawin nilang mali sa sarili nila sa tingin (paniniwala) nila ay wala silang ginawang mali.
“Kaya ang ginagawa po (David), mina-manipulate niya si Camille na wala siyang ginagawang mali. Ako naman si Camille, syunga-syunga naniniwala,” sabi ng aktres.
Sa tumatakbong kuwento ng “Batang Quiapo” ay itinira ni Rigor na ginagampanan ni John Estrada sa bahay nila ng asawang si Marites played by Cherry Pie Picache ang kabit nyang si Mercedes Cabral better known as Lena.
Kaya ang tanong ni Ogie, “Hindi ba mangyayari sa buhay ni Yuki na merong eksena na dalawa kayong babae ng isang lalaki na nakatira sa iisang bubong?”
“Parang hindi ko kaya ‘yun Mama Ogs, siguro magaganu’n (muwestrang masasapak) ko ‘yung babae. Dapat kung ako lang, ako lang. Ganu’n naman po talaga, di ba saka pag mahal ako, ako lang,” ani Yuki.
Sobrang nagpapasalamat si Yuki kay Coco dahil sa mga payo nito in terms of acting dahil meron namang ipapakitang akting ang aktres.
“Supposedly po talaga guest lang ako, panandalian lang talaga sa school (eksena) then nagdire-diretso. Buti naman po nagustuhan,” masayang kuwento ng dalaga.
Ang bilin daw ni Coco kay Yuki, “Tuloy mo lang hija may mararating ka, saka po si Ma’am Charo (Santos-Concio). Siya po talaga ‘yung nakapagpatibay ng aking heart.”
“Ano’ng sabi sa ‘yo ni Ma’am Charo?” tanong ni Ogie.
“Tuloy mo lang ‘yan, galingan mo lang. Maging professional ka tapos medyo naging close na po kami kasi tinuturuan niya ako ng vocal warm up bago mag-taping and her presence lang talaga is very radiating, good vibes, positivity.
“An incredible person that makes me wanna work harder because she work harder (daw) when she is young,” paglalarawan ng aktres sa dating presidente ng ABS-CBN.
“Wala po sa tindig niya (president) like sobrang bait po niya sa lahat ng tao kaya kinakabahan ako lalo kasi baka pumitik ‘to. Ha-hahaha! Sobrang bait baka pumitik,” masayang sabi pa ng dalaga.
Wala raw experience pa si Yuki na matarayan sa set ng “Batang Quiapo” dahil, “I tried to be quiet as possible, cooperative and be on time.”
Mahaba pa ang naging tsikahan nina Ogie at Yuki tungkol sa kamuntikang kitilin ng aktres ang sariling buhay dahil naabuso raw siya noong bata, abangan ang part two.