PASOK na pasok ang actress-singer na si Rachel Alejandro sa isang US-based film matapos siyang mag-audition para sa nasabing international project.
True! Nakapasa nga ang award-winning OPM artist sa naturang audition kaya naman maituturing niya itong answered prayer dahil natupad na sa wakas ang pangarap niyang mas pabonggahin pa ang Asian representation sa international scene.
Dalawang dekada nang permanent resident si Rachel sa Amerika at last December, 2023 lang nang sumailalim siya interview para maging US citizen.
Baka Bet Mo: Hugot ni Rachel Alejandro: Relevant pa ba ako? Kakanta pa ba ako?
Sa kanyang Instagram account, ibinandera ng aktres at singer ang screenshot ng mensaheng ipinadala sa kanya ng casting director kung saan makikita ang litrato niya from her audition.
Aniya, talagang wala siyang make-up sa ipinadala niyang audition tape sa production para makuha niya ang look ng character na hinahanap ng direktor.
“Hi Rachel. Per our phone conversation, on behalf of the team at (undisclosed film company) we’d love to move forward and present you with the following official offer to play the below role in the film,” ang nakasulat sa ipinadalang mensahe sa kanya ng casting director.
“Submitted an audition video (wearing no makeup) for a role as a Filipina mom of one of the main teenage characters in an upcoming feature film and was so happy to learn I got the part,” ang caption naman ni Rachel sa kanyang IG post.
Baka Bet Mo: Rachel Alejandro umaming binigyan ng ultimatum ng asawa para mabuntis: Ngayong 11 years na kami, nahimasmasan na siya
Sabi pa ng aktres, looking forward na siya sa pagsisimula ng showbiz career niya sa US at madagdag sa listahan ng mga Asian-Americans actors na nagpapakitang-gilas sa international arena.
“Excited for the shoot tomorrow and happy that slowly but surely, though we definitely have a long way to go, more Asian stories are starting to be told in cinema,” sabi ni Rachel.
Matatandaang sa panayam ni Bianca Gonzalez kay Rachel para sa online show na “BRGY” mula sa TFC, sinabi niyang ilang beses siyang nag-try mag-audition sa mga production companies sa Amerika.
“As in sinubukan ko talaga how it is to be a background actor which means extra. Adjustment ‘yun kasi hindi naman ako sanay na I’d never done work like that in the Philippines. It was on a TV show called The Good Fight on CBS,” kuwento ni Rachel Alejandro.