Kelley Day hindi sasabak sa Vivamax: Ayokong basta maghubad lang

Kelley Day hindi sasabak sa Vivamax: Ayokong basta maghuhubad lang

Kelley Day

WALA pa talagang planong bumalik sa mundo ng showbiz ang aktres at beauty queen na si Kelley Day makalipas ang dalawang taong pagkawala sa limelight.

Pero biglang nagbago ang kanyang desisyon nang makilala niya ang may-ari ng talent management na 3:16 Media Network na si Len Carrillo.

Baka Bet Mo: Nanay ni Kelley Day pumatol na sa bashers ng anak: Grabe ka rin mag-judge…teacher po ba kayo?

“Wala akong plan to re-enter showbusiness. Pero I knew that if may opportunity, na sabi ko sa mom ko, at sa boyfriend ko like, I will not…like go out of my way to find that opportunity kasi I guess, I have other things that I want to achieve also.


“But, if there’s an opportunity that attracts me, then I’m open to it. And then, ayun it happened na tumawag ‘yung mom ko sa akin. Sabi niya ‘I met someone I think, she likes to be your manager.’

“So, noong nag-meet kami ni ‘Nay Len, sabi ko, this is what I want. Kasi medyo ano ako..sa boundaries ko, sa limitations ko,” ang pahayag ni Kelley daw nang makachikahan ng BANDERA at ilang members ng entertainment press recently.

Patuloy pa ni Kelley patungkol sa mga plano niya sa pagbabalik-showbiz, “I plan to venture into movies, and do some teleseryes again. Because I really enjoyed that at a time.”

Next question kay Kelley, game na ba siyang magpaka-daring sa mga susunod niyang projects lalo pa’t nakikipag-co-produce rin ang manager niyang si Miss Len sa Viva at Vivamax.

Baka Bet Mo: Marco choosy na sa pagpili ng dyowa: Ayokong magsayang ng oras at pera

“Hindi po ako magbi-Vivamax,” ang diretsahang tugon ni Kelley.

“Ayokong maghubad lang ako, just for the viewers. Kaunting pa-sexy. It really depends. Kasi, for me I have my own personal limitations,” aniya.


Hanggang saan lang ang kaya niyang gawin pagdating sa pagpapa-sexy, “Kasi they asked me one time sa isang  meeting, kung kaya kong mag-backless.

“I said, yeah! But it depends on the context of the backless. Kung nagbibihis lang ako, okey lang. Pero if it’s an intimate scenes, hindi na!” chika ng dalaga.

Inamin ni Kelley na meron siyang non-showbiz boyfriend kaya ang sundot na tanong sa kanya ay kung pinagbabawalan siya ng guy na magpa-sexy sa harap ng camera.

“No naman! He’s very supportive. Also I respect my relationship with him. I also want to keep that.

“He was one of the people that…during my time of anxiety, even if I was not able to go out in his birthday or family dinner, he’s still with me all the time. Kaya ‘yung respeto ko sa kanya is really high,” sabi ni Kelley.

Huling napanood si Kelley sa Kapuso series na “The World Between US” kasama sina Alden Richards, Jasmine Curtis at Tom Rodriguez.

Read more...