Nanay ni Kelley Day pumatol na sa bashers ng anak: Grabe ka rin mag-judge…teacher po ba kayo?
Kelley Day at Lenie Day
HINDI na nakatiis ang nanay ng beauty queen-turned-actress na si Kelley Day na patulan ang mga “Marites” na nagsasabing ang kanyang anak ang dahilan kaya raw naghiwalay sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.
Sinagot ni Mrs. Lenie ang mga hate comments ng ilang netizens na nagpupumilit sa pagsasabing si Kelley ang rason kung bakit nagkalabuan ang Kapuso couple.
Sa isang Instagram post ng Kapuso star, isang netizen ang nagkomento na hindi raw siya magandang impluwensiya sa ibang tao. Sayang daw at idol pa naman daw niya si Kelley pati na ng kanyang mga estudyante.
View this post on Instagram
Sagot naman ng nanay ni Kelley, “Grabe ka din mag-judge. Teacher po ba kayo? Pakibasa po ang statement ni Kelley at wala pong katotohanan ang tsismis.”
Kasunod nito, sinagot din niya kung bakit nasa United Kingdom ngayon ang anak, “Nasa London po siya para sa funeral ng lola niya and to support her father at ang kapatid niya. Konting respect po sa kapwa natin. Salamat po.”
Sumagot uli ang nasabing netizen at inakusahan uli ang beauty queen sa hindi raw magandang pagtrato nito sa isang janitress dahil lamang hindi nalinis ang table nito sa isang dressing room.
Sa puntong ito si Kelley na mismo ang sumupalpal sa netizen. Pagtatanggol ng dalaga sa kanyang sarili, “Never ako sumigaw sa isang janitress — kahit saan, sa buong buhay ko.”
Muli, mariin niyang itinanggi na may something sa pagitan nila ni Tom, “I never had anything with Tom either. I hope that when the truth comes out, your students will learn not to trust everything they read online.”
Nauna nang dinenay ni Kelley na may kinalaman siya sa mga chikang naghiwalay na raw sina Tom at Carla at lalong wala raw katotohanan ang tsismis na buntis siya kaya bigla siyang lumipad patungong UK.
“Many people are speculating about my involvement in a certain rumor/blind item story that seems to have been circulating today.
“So before things get too out of hand, I’d like to clarify that i have no knowledge of/ involvement with the controversy,” paglilinaw ng Miss Echo International 2020 1st Runner-Up.
“I don’t know how or why my name has become linked (I’m surprised too), but what I do know is these accusations about me are false.
“Truth: I’ve travelled to the UK to attend the funeral of a family member and to spend time with my UK-based family.
“I am not pregnant (nor have I ever been). I have never had anything close to romantic involvement (or) interest with the person,” aniya pa.
Hanggang ngayon ay wala pang inilalabas na official statement sina Tom at Carla hinggil sa kanilang rumored break-up.
https://bandera.inquirer.net/304117/kelley-day-umalma-sa-chikang-siya-and-third-party-sa-hiwalayang-tom-carla-hindi-rin-ako-buntis
https://bandera.inquirer.net/282994/miss-eco-1st-runner-up-kelley-day-nakauwi-na-sa-pinas-nega-na-sa-covid-19
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.