BENTANG-BENTA ngayon sa madlang pipol – bata man o matanda – ang “Eyyy” trend na pinasimulan ng BINI member na si Sheena.
In fairness, binansagan na ngayong “Mother Eyyy” si BINI Sheena dahil nga viral at trending na ngayon ang kanyang paandar na hirit na nagsimula sa pagpe-perform ng kanilang grupo sa ilang live shows.
Baka Bet Mo: Donita, mister suportado si Sheena Palad matapos ma-bash sa FAMAS
“Sige po palaganapin niyo lang siya kasi wala namang harm, you know, positive lang. Eyy ka muna, eyy!” ang pahayag ni BINI Sheena nang hingan ng reaksyon sa pagiging “mother” of the “Eyyy” trend.
Ayon sa Kapamilya artist, kahit daw siya ay na-shock nang biglang mag-viral ang “Eyyy” sa social media lalo na nang makita at mapanood niya na kahit mga celebrities ay bukambibig na rin ang pinasikat niyang “Eyyy.”
“Nagugulat ako na sa mga casuals, kung saan-saan ko na nakikita ‘yung ‘Eyyy’, actually hindi ko alam kung ano’ng mapi-feel ko,” ang sabi pa ni Sheena sa panayam ng ABS-CBN.
Inalala pa ng BINI member na nagsimula raw mag-trend ang “Eyyy” nang sabihin niya ito sa isang fan na nanood sa kanilang “BINIverse” concert.
“Mayroong ‘Bloom’ na nagsabing ga-graduate siya. Tapos naiiyak siya. Eh, alam n’yo naman ayoko na umiiyak ‘yung mga tao.
Baka Bet Mo: ‘Mommy hugot’ ni Sheena: Gandang lumalaban sa puyat, pagod at hirap sa pag-iisip anong uulamin namin next week…
“So, sabi ko, ‘Eyyy ka muna, eyyy.’ So at least, nakapag-eyyy muna siya bago siya humagulgol,” pagbabalik-tanaw ng P-pop idol na siyang pinakabatang member ng BINI at main dancer ng girl group.
“Nakuha ko rin talaga ‘yong ‘Eyyy’ sa tropa ko, like, sa Isabela, nagtsa-chat siya, ‘Eyyy’ hanggang sa nakuha ko. Tapos mayroon kaming staff din here, kapag nagmi-meet kami, ‘geng-geng’ gumaganu’n,” sabi pa ni BINI Sheena.
Para naman sa mga taong nangnenega sa pag-trend ng “Eyyy” at sa mga hindi ito feel gawin, sabi ni BINI Sheena, “If ayaw mo mag-‘Eyy’ eh you just close your ears, di ba?
“Huwag kang makinig. Basta ‘Eyyyy’ lang. Positive vibes lang around here. If you are happy, say ‘Eyyyy,'” aniya pa.
Matagumpay ang lahat ng katatapos lamang na “BINIverse” concert tour na ginanap sa Manila, Baguio, Cebu, at General Santos City.
Nakatakda na rin ang concert ng Nation’s Girl Group sa Canada pati na ang pagpe-perform nila sa KCon sa Los Angeles, California as part of the special lineup for the M Countdown Preshow sa nasabing music festival sa darating na July 27.
Kamakailan lamang ay ini-release na rin ng BINI ang latest single nilang “Cherry On Top” na nakahamig na ng mahigit 10 million views sa YouTube.
Nag-number 1 na rin ito sa iTunes Philippines at Singapore at naka-1 million streams na Spotify in less than 24 hours.