La Mesa Dam nasa critical level na, mga kalapit lugar pinaghahanda

La Mesa Dam nasa critical level na, mga kalapit lugar pinaghahanda

UMABOT na sa 79.41 meters ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam na siyang maituturing nang nasa critical level.

Ayon sa inolabas na report ng PAGASA nitong Miyerkules, July 24 (as of 11:50 AM) patuloy ang pagtaas ng water level nito dahil sa pagtuloy at matinding pagbubos ng ulan dahil na rin sa Bagyong Carina at southwest monsoon.

Kaugnay nito ay inaasahan ang pag-overflow ng tubig sa La Mesa Dam kapag umabot na ang water level nito sa 80.15 meters.

Pinag-iingat at pinaghahanda ang mga kalapit lugar ng Tullahan River na lubos na maaapektuhan ng pagpapakawala ng tubig.

Baka Bet Mo: Tubig sa Angat Dam, La Mesa Dam patuloy sa pagtaas

“Water from LA MESA Dam is expected to affect the low-lying areas along the Tullahan River from Quezon City (Fairview, Forest Hills Subd., Quirino Highway, Sta.
Quiteria, and San Bartolome), Valenzuela (Brgy. Ligon, North Expressway, La Huerta Subd.) and Malabon.

“All the residents living in the aforementioned areas, especially those near the river banks, are advised to be alert for possible flooding,” babala ng PAGASA.

Nangako naman ang PAGASA na patuloy nilang imo-monitor ang hydrological condition ng naturang dam at magbibigay update sa mga concerned agencies and LGUs.

Read more...