Luigi Villafuerte ‘White Rider’ ni Yassi sa GMA Gala: Sobrang kilig ko!

Luigi Villafuerte 'White Rider' ni Yassi sa GMA Gala: Sobrang kilig ko!

Luigi Villafuerte at Yassi Pressman

KUNG si Ruru Madrid ang “Black Rider” sa buhay ni Yassi Pressman, ang boyfriend naman niyang si Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte ang kanyang “White Rider.”

In fairness, mukhang in love na in love naman talaga ang aktres sa kanyang dyowang politiko na naka-date niya sa naganap na GMA Gala 2024 last Saturday, July 20.

Ang pagdalo ni Yassi sa naturang Kapuso event ang unang pagkakataon na inirampa niya nang bonggang-bongga si Gov. Luigi sa harap ng sambayanang Filipino.

Ito’y matapos kumalat ang balitang hiwalay na raw sila ng gobernador. Agad na pinabulaanan ng aktres ang chika at sinabing very much together pa rin sila ng binata.

Baka Bet Mo: Black & white photo ni Ice Seguerra viral na: Kalma lang kayo guys, ako lang ‘to…at buhay na buhay pa ako

Sa red carpet ng GMA Gala 2024 sa Manila Marriott Hotel sa Pasay City, sabay ngang naglakad ang magdyowa –suot ng “Black Rider” star ang kanyang white tube dress, habang white coat over an all-black outfit naman ang OOTD ni Gov. Luigi na parehong gawa ni Anthony Ramirez.


Sey ni Yassi sa panayam sa kanya ng media, first time niyang maka-date si Gov. Luigi sa isang gala at nagputi raw talaga ang politiko dahil nais nitong maging White Rider.

“Sobrang kilig ko. He’s so sweet kasi, may sparkle po talaga,” ani Yassi sa naturang interview.

Samantala, sa online mediacon ng “Black Rider” para sa finale week nito, todo ang pasalamat ni Yassi sa GMA at sa lahat ng nakasama niya at sumuporta sa action-serye nila ni Ruru.

“There’s just so many emotions din po para sa isang taong nagkaroon ng amnesia na hindi ko rin na-portray noon.

“Hinahanap niya po kung sino siya at kung ano yung mga experiences niya, yung mga taong mahal niya. Bakit ganito yung mga nararamdaman niya sa puso niya, kasabay ng mga brainwashing ng mga taong nasa paligid niya.

Baka Bet Mo: Yassi Pressman aminadong nag-uusap pa rin sila ng ex-fiancé, nasa ‘getting to know stage’ na with Luigi Villafuerte

“Talagang napakatapang niya po at talagang mahal na mahal niya po yung pamilya niya. Ipaglalaban niya po talaga, kahit hanggang sa suntukan, yung mga taong mahal niya sa buhay,” ang paglalarawan ng dalaga sa kanyang karakter.

Dugtong ni Yassi, “Very, very lucky po na lahat po ng mga ka tent-mates ko, castmates ko are very, very loving and welcoming. I will always cherish those moments.”

“To spread kindness and find the good in everybody,” ang isa sa mga natutunan niya sa magtatapos na nilang serye sa GMA Prime.

“If in real life someone gives you kindness, I think the most important part, and I always say this, it’s your job to pay it forward.


“And sa totoo lang, that’s really how you can make someone smile, when you smile, and you send that energy over. And just always try to be kind. Sa mga kontrabida rin naman natin, nakikita natin yung mga hearts nila,” esplika ng aktres.

Samantala, ngayong matatapos na ang  “Black Rider”, game na game pa rin si Yassi na makatrabaho uli si Ruru, “Oo naman po, Nabibitin pa nga po kami. Parang nalulungkot pa po everyone especially the past few taping days.

“Kami po as actors and friends, parang nabi-build pa lang po yung relationships namin together. But with the time that we have, we’re making the most of it,” aniya pa.

Read more...