NAMAHAGI si First Lady Louise Liza Marcos, sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) ng mga modernong Mobile Clinic para sa mga malalayong lalawigan sa Luzon.
Ito’y upang ipalapit sa mga mamamayan ang pagbibigay ng modernong pagpapagamot sa ilalim ng programang “Bagong Pilipinas”.
Malaking tulong ito upang patuloy na mailapit ang serbisyong pangkalusugan para sa mga taga-lalawigan na naninirahan sa malalayong lugar, lalo’t higit ito ang pangunahing layunin ng Unang Ginang ay bigyan ng dekalidad na health care system ang bawat Pilipino.
Baka Bet Mo: Maine nag-react sa ‘blind item’ na tungkol sa host na suplada, mataray
Kargado ang bagong mobile clinic ng ilang medikal na kagamitan gaya ng ultrasound, X-ray, cholesterol and glucose monitors, 12-lead ECG, clinical hematology analyzer, microscope, spirometer, infrared forehead thermometer at generator.
Ang distribusyon ng mga mobile clinics ay bahagi ng collaborative effort sa pagitan ng Unang Ginang at ng Department of Health (DOH) at sa pakikipagtuwang na rin sa Department of Local Government Unit, Philippine Charity Sweepstakes Office, at Act Agri-Kaagapay Organization.
Ang inisyatiba ay nasa ilalim ng “Libreng Laboratoryo, Konsulta, at Gamot Para sa Lahat” or LAB program, na isang healthcare project na pinasimulan ng supportive at compassionate na maybahay ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at inilunsad kamakailan sa Maynila.
Baka Bet Mo: Sino sa mga sikat na Korean stars ang makakasama nina Marian, Piolo, Bea at Sylvia sa ’empire’ ni Rhea Tan?
Ang naturang kontribusyon ay naka-align sa dedikasyon ng pamahalaan sa universal health coverage, na isang mahalagang aspeto sa pagkakaloob ng mga modernong medical at health care sa mga Pinoy, partikular sa mga magsasaka at yaong mga nasa malalayong lugar.
Binigyang-diin din ng Unang Ginang ang kahalagahan ng pagkakaroon ng accessible healthcare para sa mga Pinoy.
Alinsunod sa bisyon na ito, ang mga mobile clinics ay may mahalagang papel sa pagkakaloob ng preventive health services direkta sa mga komunidad.