Barbie na-shock sa first kiss, Kapuso actor ang nakabinyag sa lips

Barbie na-shock sa first kiss, Kapuso actor ang nakabinyag sa lips

Jak Roberto at Barbie Forteza

NAKAKALOKA pala ang naging experience ng Kapuso Primetime Drama Princess na si Barbie Forteza sa kanyang first kiss sa lips.

Kuwento ni Barbie, aksidente lang ang  una niyang halik mula sa isang Kapuso actor na nanligaw sa kanya ilang taon na ngayon ang nakararaan.

“Siyempre ang sarap sa pakiramdam, kasi ‘yung time na siyempre nagliligawan kayo, ‘yun na ‘yung ini-imagine mo eh, ano kaya ang magiging first kiss, paano kaya?

Baka Bet Mo: Kisses matinding workout, diet ang ginawa para sa Miss Universe PH; lumafang ng crispy pata after ng pageant

“Kailan kaya ang perfect moment na gawin ‘yun?” ang pagbabahagi ng dalaga sa nakaraang episode ng “It’s Showtime” nitong nagdaang Miyerkules na ang tinutukoy ay ang boyfriend na niya ngayon na si Jak Roberto.

Nanliligaw pa lang daw noon sa kanya si Jak at hindi pa niya sinasagot at wala siyang raw niya na-imagine na sa ganu’ng sitwasyon siya mahahalikan sa labi ni Jak.

Kuwento ni Barbie sa aksidenteng first kiss nila ni Jak, “Bumaba ako ng kotse tapos parang magma-maneuver siya.

“Bebeso sana ako, beso lang po, tapos siya, palikod siya, titingnan niya ‘yung likod tapos nag-swak lang ‘yung (lips) namin. Tapos nagkatinginan lang kaming ganyan,” chika ni Barbie.


“Hindi ko alam kung…kasi noong time, hindi pa po kami noon, date-date pa lang. E, ako hindi ako nagpapa-first kiss na hindi kami. Noong time na ‘yun natigilan din ako na, ‘Oh shucks! So, tayo na ba?’” natatawa pang sey ng Kapuso Drama Princess.

Baka Bet Mo: Derek sa ‘tinikman muna si Ellen bago dyinowa’ comment: Walang nangyari sa amin, not even until naging kami…

Nabigla rin daw si Jak sa nangyari, “Natawa talaga siya. Sabi niya ‘Ay sorry, sorry,’ gumaganu’n siya sa akin. Nag-sorry siya kasi kinabahan siya,” sey pa ni Barbie.

Tandang-tanda pa rin ni Barbie ang naging reaksyon nila ni Jak after ng kanilang unang halik, “Yun ang hinihintay mo eh, ‘yung reaction mo after the kiss. ‘itutuloy ba natin ‘yung relasyon or nagustuhan ba? Will this go further. Doon mo malalaman eh, sa first kiss.”

Matatandaang sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” ay nasabi ni Barbie na napag-uusapan na nila ng  kanyang boyfriend ang kasal at pagbuo ng sariling pamilya.

Read more...