HINDI napigilan ng mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzalez na maging emosyonal nang purihin ang anak nilang si Andres sa presscon ng sitcom nilang “Da Pers Family”.
Nagsimula na kahapon ang kauna-unahang acting project ni Andres at in fairness, magaganda naman ang comments at pasado sa mga viewers ang kanyang acting.
Bukod sa kanyang parents, kasama rin ni Andres sa “Da Pers Family” ang kakambal niyang si Atasha na pinuri rin siya nang bonggang-bongga para sa kanyang first acting project.
Super thankful ang mag-asawang Muhlach sa direktor nila sa show na si Danni Caparas, na naging direktor din ni Aga sa mga dati niyang sitcom sa ABS-CBN, kabilang na ang “Oki Doki Dok” at “Okay Fine Whatever”.
Talagang inaalalayan daw kasi talaga ni Direk Danni ang kanilang kambal sa bawat eksena ng mga ito. Aniya medyo struggle pa si Andres sa pagde-deliver ng Tagalog lines.
Sey ni Direk, “Natutuwa ako, ang sabi sa akin ni Aga, ‘Direk paki-alalayan si Andres kasi bago lang.’ Sabi ko, ‘ako’ng bahala diyan.’ Si Atasha, napapanood ko. Okay ‘yung bata, magaling. Makapal ang mukha nu’ng bata, magaling, magaling! So, sabi ko kay Aga, ‘okay ‘yan, akomg bahala d’yan kay ano, kay Andres.”
Mas naging emosyonal pa sina Aga at Charlene nang purihin ng veteran actress na si Ces Quesada ang anak nilang binata pati na rin si Atasha, “You know, Andres, I’m really very, very proud of you. Actually, both of the kids.
Baka Bet Mo: Andres never pang nagkadyowa; handa na sa hamon at intriga ng showbiz
“Because kasi, you know, if you’re a newcomer, minsan, lalo na these children are so good looking. There are some actors na parang they’re so conscious about ‘papangit ba ako dito or whatever?’ sila, they just jump into the scene kahit awkward ‘yung magiging hitsura nila or something.
“Malalakas ang loob and I can see that during the first taping most specially, medyo si Andres, he was, because of the lines, kasi Tagalog. But what I like about him is matapang siyang bata. And he’s willing to learn.
“And I think that’s the most important thing for him. Kasi, you know, para sa isang artista na ‘ah, anak ako ng artista, you know, anak ako ng isang sikat na artista, so lahat kayo makibagay sa akin and all.’ Walang ganu’n.
“And I think this is something that Aga and Charlene should know that they raised very, very good kids. Very, very good kids na walang yabang at saka, you know, nasa title role na sila kaagad but you can never feel na parang nagpapaka-importante.
“They’re very nice with the staff. Hindi spoiled na mga bata pero ‘yung nga, Andres, you’re doing very well.
“Siguro ngayon maku-conscious ka kasi ikinukwento ‘yung mga ano mo, but it’s something that’s very natural and I appreciate it well that you’re always there, you’re trying to learn and I’m very, very proud of you,” pahayag ng beteranang aktres.
Hirit naman ng co-star nilang si Bayani Agbayani, “Si Andres parang pinaghalong Richard Gomez at Aga Muhlach, ‘di ba? Grabe, napaka…pero napaka-humble.
“Si Atasha naman, napakagaling at talagang tinuturuan niya si Andres pagdating na du’n sa pagta-Tagalog kasi sanay na sanay na siya. Oo, grabe si Tasha. Si Tasha ang pinaka-the best actress in Europe!” hirit ni Bayani.
Napapanood ang “Da Pers Family” tuwing Linggo, 7:15 p.m., sa TV5.
Samantala, naikuwento naman ni Andres na siya ang naglalaba ng kanyang mga damit at nagluluto ng pagkain noong nasa Spain siya. Naranasan din niya ang mag-commute dahil mas trip niya ang mag-train papasok at pauwi galing sa school.
Kung minsan ay naglalakad siya ng halos 40 minutes papunta ng school at pabalik ng kanyang apartment. At dahil dito, tatlong beses siyang na-snatch sa Madrid.
Sa una at pangalawang insidente ay hindi raw niya hinabol ang mga snatcher dahil baka raw may baril o kutsilyo ang mga ito pero sa ikatlong pagkakataon, na-headlock na niya ang magnanakaw at nabawi ang necklace na hinablot sa kanya.