BAHAGYANG lumakas ang binabantayang bagyong Carina na nasa ating bansa.
Ito ang latest report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong araw, July 21.
Huli itong namataan sa layong 350 kilometers silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang lakas na hanging 85 kilometers per hour at bugsong aabot sa 115 kilometers per hour.
Kasalukuyan itong kumikilos sa bilis na 20 kilometers per hour papunta sa kanluran.
Baka Bet Mo: Pia may ipinahiram na ‘agimat’ kay Rabiya para swertehin sa Miss Universe
Ayon sa weather bulletin ng ahensya, “CARINA is forecast to steadily intensify over the next four days due to favorable environment.”
“It is forecast to become a severe tropical storm by tonight (July 21) and reach typhoon category tomorrow evening (July 22). Rapid intensification within the forecast period is possible,” paliwanag pa.
Ani pa, mananatiling malayo sa kalupaan ang bagyo at posible itong lumabas ng ating teritoryo o Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Huwebes, July 25.
Bukod diyan, nabanggit din ng PAGASA na posibleng magkaroon ng tropical cyclone wind signal.
“The hoisting of Wind Signal No. 1 over Extreme Northern Luzon and northeastern portion of mainland Cagayan is not ruled out, possibly by tonight or tomorrow in anticipation of strong winds associated with CARINA,” wika ng weather bureau.
Ayon sa PAGASA, wala pang direktang epekto si Carina, pero pinalalakas nito ang epekto ng Southwest Monsoon o Hanging Habagat.
Dahil diyan, asahan ang scattered rains sa Antique, Occidental Mindoro, Zambales, Bataan, Pangasinan, La Union, at Northern Palawan kasama na ang mga isla ng Cuyo, Calamian, at Kalayaan.
May isolated rainshowers naman sa Metro Manila, Mindanao, Cavite, Laguna, Batangas, at sa nalalabing bahagi ng Visayas at MIMAROPA.
Gayundin ang aasahan sa natitirang lugar sa Luzon.