Netizens ‘namalikmata’ sa concert photo ni Ice: ‘Muntik ako mag-RIP!’

Netizens ‘namalikmata’ sa concert photo ni Ice: ‘Muntik ako mag-RIP!’

PHOTO: Instagram/@iceseguerra

IBA-IBA ang naging reaksyon ng netizens sa ibinanderang black and white poster ni Ice Seguerra para sa kanyang birthday concert.

Para sa iba, nakakatawa ang naging gimik na ito ng batikang singer, pero may iilan ang nagsasabing hindi ito magandang biro.

Ang kinalabasan kasi ng kanyang poster ay parang isang obituaryo na kadalasan ay para sa mga yumao.

“See you in SEPTEMBER, BIDYOKE FRIENDS!” caption niya sa isang Instagram post, kalakip pa ang isang dove emoji.

Baka Bet Mo: Gary Valenciano pinakaba ang netizens, inakalang ‘patay’ na

Sa comment section, marami ang nagsasabi na inakala nila ay sumakabilang-buhay na ang mang-aawit kaya binabalikan nila ang nasabing poster.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Nakakainissss kinabahan akoooooooooo [crying emoji]”

“Muntik na ako mag-RIP [laughing emoji]”

“Kala ko namatay na si lodi shuta [crying emoji]”

“Jusmiyo! [laughing emojis] kala ko mag r.i.p na ako. Kaloka ang poster naman [laughing emojis].”

Heto naman ang ilan sa mga dismayadong fans na hindi bet ang ginawang pag-promote sa concert ni Ice:

“Not cool. Knock on wood. Kinabahan ako du’n.”

“I honestly think the merch isn’t the best idea.”

“Ice kaloka palitan mo yan kala ko ano na nangyari sayo!”

Walang pang sagot si Ice sa mga reaksyon na ito, pero ang concert niya ay pinamagatang “Videoke Hits: OPM Edition” na mangyayari sa September 13, ilang araw bago ipagdiriwang ang kanyang birthday.

Read more...