DongYan mala-Hollywood star sa GMA Gala; Kylie, David waging Best Dressed

DongYan mala-Hollywood star sa GMA Gala; Kylie, David waging Best Dressed

WINNER na winner ang South Korean actor na si Kim Ji Soo sa naganap na GMA Gala 2024 kagabi, July 20.

Siya ang nakatanggap ng Red Carpet Scene Stealer award na talaga namang pinagkaguluhan ng mga reporter at photographer na nag-cover sa naturang event.

Si Kim Ji Soo ay napapanood ngayon sa GMA Prime series na “Black Rider” na pinagbibidahan ni Ruru Madrid. Matatapos na ito ngayong linggo kaya siguradong marami pang pasabog na aabangan ang viewers.

Wagi naman sina Kylie Padilla at David Licauco bilang Best Dressed Stars of the Night (Female and Male).

Ang Couple of the Night award ay ibnigay kina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega, ka-tie ang Kapuso couple ding sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

Baka Bet Mo: Bakit nga ba sina Vice, Anne, Vhong at Jhong lang ang um-attend sa GMA Gala 2023, anyare kina Karylle, Ryan Bang at Tyang Amy?

Itinanghal namang Young Stars of the Night ang magka-loveteam na sina Allen Ansay at Sofia Pablo.

Bukod sa mga Kapuso stars, present din sa GMA Gala this year ang mga host ng “It’s Showtime” na napapanood sa GMA 7 at GTV sa pangunguna ni Vice Ganda.

Kasabay niyang dumating sa venue sina Vhong Navarro, Jhong Hilario, Darren Espanto, Ogie Alcasid at Ryan Bang.

At siyempre, mas nagningning ang event dahil sa presence ng Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera na bonggang-bongga sa kanilang OOTD.

Suot ni Marian ang kanyang ethereal black gown with silver floral accents by Nicole + Felicia with matching clutch by Bottega Veneta.

Si Dingdong naman ay naka-classic black suit with a bow tie by Stefano Ricci kung saan lutang na lutang ang kanyang kagwapuhan at kakisigan na aakalain mong isang Hollywood star.

Narito ang listahan ng iba pang winners ng GMA Gala 2024 special awards:

SPARKLE CHOICE AWARDS (Style Stars)

Andrea Torres

Bianca Umali

Sanya Lopez

Barbie Forteza

Kyline Alcantara

Ruru Madrid

HALL OF FAME AWARDEES

Heart Evangelista, Alden Richards, Bea Alonzo, Dingdong Dantes, and Marian Rivera

SPARKLING SMILE OF THE NIGHT

Jillian Ward

Read more...