LIST: Top 20 semi-finalists ng Miss World Philippines 2024 ibinandera na
NAPILI na ang Top 20 semi-finalists na babandera sa next round ng Miss World Philippines 2024 competition!
Ang coronation night ng national pageant ay ginanap ngayong July 19 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
33 candidates ang nag-aagawan sa korona, pero agad din silang nalagas.
Ang mga unang tinawag sa Top 20 semi-finalists ay mga nanguna sa fast track events ng national pageant, habang ang huling dalawa ay nagwagi sa “Beauty with a Purpose” challenge.
Baka Bet Mo: Ano ba ang ‘ideal queen’ para kina Gwendolyne Fourniol, Michelle Arceo?
Narito ang kumpletong listahan ng mga pasok sa Top 20 ng MWPH:
Dia Mate – Cavite (Miss Sports Challenge, Miss Charity)
Sophia Santos – Pampanga (Miss Beach Beauty, Best in National Costume)
Jerica Jewel Reyes – Central Visayas (Miss Talent)
Dolly Ceballos Cruz – Malaybalay, Bukidnon (Head-to-Head Challenge winner)
Krishnah Gravidez – Baguio City (Miss Multimedia, Top Model)
Marianel Tan – Bacolod City
Angel Gutierrez – Concepcion, Tarlac
Christine Chagas – Quezon City
Gabrielle Lantzer – Manila
Patricia Bianca Tapia – Batangas
Sofi Grenmo – Cebu
Andrea Endicio – Quezon Province
Raine Africa – Marikina City
Arrieana Zobelle Beron – Iloilo City
Princess Kazel Oseo – Zambales
Clytemestra Miaflor Juan – Dasmariñas City, Cavite
Riana Agatha Pangindian – Kapitolyo, Pasig
Jasmine Omay – Tarlac Province
Isabelle Bilasano – Bicol (Beauty with a Purpose winner)
Nikki Buenafe – Pangasinan (Beauty with a Purpose winner)
Ang mga nabanggit na contenders ay maglalaban-laban naman para sa Top 10 finalists at eventually ay para sa ilang korona at titulo ng Miss World Philippines.
Samanatala bago ang Top 20, unang in-announce sa show ang mga nag-uwi ng special awards:
Miss Ever Bilena: Patricia Bianca Tapia, Batangas
Miss Hello Glow: Krishnah Gravidez, Baguio City
Miss Procap:
Krishnah Gravidez, Baguio City
Isabelle Bilasano, Bicol
Dia Maté of Cavite
Miss Dr. Leo: Krishnah Gravidez, Baguio City
Miss C-Vitt: Princess Kazel Oseo, Zambales
Ang hosts ng event ay sina Billy Crawford, reigning Universal Woman Maria Gigante, Reina Hispanoamericana runner-up Emmanuelle Vera at aktor na si Teejay Marquez.
Present naman sa event ang chairperson ng Miss World Organization na si Julia Morley, pati na rin ang reigning Miss World na si Krystyna Pyszkova from Czech Republic.
Maswerte ang makakakuha ng Miss World Philippines title this year dahil siya ang unang makakapagsuot ng bagong korona na ang tawag ay “Ray of Hope” na gawa ng Oro China Jewelry.
At speaking of winner, nauna nang nabanggit ni reigning Miss World Philippines Gwendolyne Fourniol sa interview ng INQUIRER.net ang ilan sa mga katangian na hinahanap niya sa magiging successor niya.
“I want a woman who is empowered, who is also empowering those around her, and will never forget that even after she is crowned, or even if she isn’t crowned,” sey ng Frensh-Filipino beauty queen.
Dagdag pa niya, “Of course, it’s generations of legacy that I’ll be passing on, and I want someone who is well-rounded, someone who has all the abilities, someone who can take that responsibility, not just for herself, but for the community that is around her.”
Bukod sa nasabing titulo, kaabang-abang din kung sino ang mananalo bilang Reina Hispanoamericana Filipinas at Miss Philippines Tourism.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.