Willie barag na barag sa bashers: Hindi mo dapat ipinapahiya staff mo!

Willie barag na barag sa bashers: Hindi mo dapat ipinapahiya staff mo!

DUROG na durog ang veteran TV host na si Willie Revillame sa mga netizens na nakapanood sa episode ng bago niyang show sa TV5 na “Wil To Win.”

Mainit na pinag-uusapan ngayon ng mga Marites ang mga patutsada niya sa kalabang programa sa GMA 7 na “Family Feud” pati na ang dialogue niyang pagod na pagod na raw siya sa kanyang bagong show.

Pinutakti si Willie ng masasakit at maaanghang na salita mula sa mga bashers at sinabihang masyadong nega ang ipinakikita niyang attitude on national TV na may kabastusan na raw ang dating.

Nagtataka rin ang mga pumupuna sa TV host sa sinabi nitong pagod na pagod na siya sa “Wil To Win” samantalang kasisimula pa lamang nito sa Kapatid Network.

Napanood sa live episode ng programa kahapon, July 18, na pinagagalitan ang kanyang staff na parang nangangapa at hindi pa alam kung ano ang gagawin.

Baka Bet Mo: Willie na-‘high blood’ sa staff ng Wil To Win: ‘Aatakihin ako sa inyo!’

“Diyos ko, aatakihin ako sa inyo dito… Napakaswerte ko ngayong araw na ito. Bukas naka-dextrose ako.

“Maawa kayo sa akin. Nahihirapan na ako sa show na ‘to. Ako lahat. Tapos ako ang naba-bash ‘pag nagagalit ako sa ere,” ani Willie.

Narito ang mga reaksyon ng mga netizens sa mga isyung kinasasangkutan ngayon ni Willie, kabilang na ang pasaring niya sa rating ng “Family Feud” na inilabas ng GMA 7 kamakailan.

“Wala pang isang linggo pagod na pagod na daw sya.”

“Ikaw lng naman sa lahat ng may program ang dakdak ng dakdak, gusto m lagi kng no.1. Tapos n will ang maliligayang sandali m lalo nat may sinapian k p nung election.”

“Hayy nako Wil. Kahit nung nasa GMA ka pa pinipost talaga ang ratings. Importante ang ratings kasi dyan nag bbase ang mga advertisement kung san sila mag lalagay ng mga commercial para mas maraming nakkapansin ng product nila. Kaya wag mong sasabihin walang kwenta ang Ratings. Kung walang kwenta bakit nagalit ka nung natalo kayo ngayon? Gawin mo trabaho mo. Tapos! Walang issue. Atlis pwde ka pang makabalik.”

“Tama ka dyan Willie basta importante nagbibigay ka ng saya sa mga Filipino.”

“Iba parin tlga viewers Ng gma, pero respect parin sa ibang show. Wala Naman yan ibang hinangad kundi makatulong sa mahihirap.”

“Tanggalin mo kasi pagiging power tripping mo, ipaubaya mo sa mga staff mo yung takbo ng show mo, hayaan mo yung floor director na mag mando ng mga galaw sa stage kapag live, hindi yung ikaw na host ikaw pa nagmamando sa lahat. ultimo cameraman ikaw nagtuturo kung saan dapat i focus yung camera, trabaho na dapat yan ng director at FD. Wala kang tiwala sa mga taong nakapaligid sayo dyan sa show, kaya madalas pinapagalitan mo kahit on air.

“Dapat kc kuya will hndi sa ere mo yan cnasabi ung mag memeeting kyo..iba ang dating kc saiyo ung pag ka bossy mo.”

“Sa meeting pede mo yan ivoice out kc hndi yan mkakatulong na marinig yan ng mga televiewers mo since nag start pa lang ang show mo at hndi pa nman umaabot ng 1month understandable na may mga loop holes pwede nyong isama sa agenda ng meeting nyo.”

“Plastik lahat ng show na magsasabing wala silang pakialaman sa ratings. Para kang empleyado na nagsasabing ayaw ng malaking sahod.”

“Hindi tama na ipahiya mo ang staff mo on national TV. Nakakawalang respeto yun! Bababa ang morale nila at maaapektuhan for sure ang kanilang work! May effect din yan sa mental health!”

Read more...