Alex Gonzaga may 14-M subscribers na sa YouTube: Malayo na pero malayo pa!

Alex Gonzaga may 14-M subscribers na sa YouTube: Malayo na pero malayo pa!

PHOTO: Instagram/@cathygonzaga

TUWANG-TUWA ang TV host-actress na si Alex Gonzaga sa latest milestone niya bilang vlogger.

Sa ngayon kasi, mayroon na siyang 14 million subscribers sa YouTube!

Sa Instagram, ibinandera ni Alex ang ilang pictures niya na nasa beach, pati na rin ang screenshot ng homepage niya sa nasabing video-sharing platform.

“Hi netizens. Two days before I celebrate the 7th year of my youtube channel, we reached 14M!” caption niya sa post.

Wika pa niya, “Malayo na pero malayo pa! Mahal ko kayo.”

Baka Bet Mo: Alex Gonzaga dinakma ang boobey, original target dibdib ni Mikee?

Sa Instagram Story naman, lubos siyang nagpasalamat sa lahat ng kanyang fans na sumuporta at tumulong upang makamit itong achievement.

“Mahal ko kayo, netizens. Ginapang natin ‘to [nang] magkakasama,” sambit niya.

PHOTO: Instagram/@cathygonzaga

Ilan lamang sa mga nagpaabot ng “congratulatory” message sa actress-vlogger ay ang mga bigating personalidad na sina Karen Davila at Sen. Loren Legarda na naka-collaborate din niya sa videos.

Ang YouTube channel ni Alex ay inilunsad noong July 19, 2017 at mula niyan ay marami na siyang itinampok na kapwa-artista at content creators.

Taong 2018 naman nang makatanggap si Alex ng Gold Play Button reward mula sa YouTube dahil nalampasan niya ang isang milyong subscribers.

Taong 2019, mayroon na siyang five million subscribers.

At taong 2021 ay umaani na si Alex ng mahigit one billion views at 11 million subscribers.

Read more...