Paulina Sotto ‘single mom’ na: ‘It’s been crazy…but life goes on!’

Paulina Sotto ‘single mom’ na: ‘It’s been crazy…but life goes on!’

PHOTO: Instagram/@paulinavls

HIWALAY na sa asawa si Paulina Sotto, ang anak nina Vic Sotto at dating aktres na si Angela Luz.

Ang balita na ‘yan ay ibinandera mismo ni Paulina sa latest Instagram post niya.

Makikita ang litrato ng visual artist na kasama ang kanyang anak na si Sachi sa isang museum.

Kalakip niyan ang caption na, “Navigating a new life chapter as a single mom.”

Baka Bet Mo: Toni Gonzaga ipinanganak na ang baby no. 2 nila ni Paul Soriano: Paulina Celestine Gonzaga Soriano has arrived

Chika niya, “It’s been a crazy last few weeks with lots of ups and downs, but life goes on.”

Ani pa niya sa IG, “Thankful for what the past 10 years have given me—my beautiful daughter. Now on to better things.”

Sa comment section, maraming netizens ang nagpahayag ng suporta para sa pinagdadaanan ngayon ni Paulina.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Sending you love and sincere prayers for strength, Paulina [red heart emoji] You got this! Sachi is blessed to have you.”

“You got this mama! [strong arms, red heart emojis]”

“You are very strong Mom and Sachi loves you so much. God Bless.”

“So sad..but life has to go on…embrace your new world as a single, beautiful and loving mom to Sachi! [red heart emoji]”

“Sending you thoughts of light and love! Be strong!”

January 2017 nang ikinasal si Paulina kay Jed Llanes na ginanap sa Nasugbu, Batangas.

Matatandaang dumalo sa kanilang kasal ang ilang miyembro ng Sotto Clan, kabilang na sina Vic at Pauleen, Danica Sotto-Pingris, Vico Sotto, Lala Sotto at Gian Sotto.

Taong 2020 naman nang magkaroon at biniyayaan ng magandang anak.

Read more...