Ilang netizens kampi kay John Estrada, sinisi pa si Priscilla Meirelles

Ilang netizens kampi kay John Estrada, sinisi pa si Priscilla Meirelles

MUKHANG mas maraming nakikisimpatiya kay John Estrada over his wife, Priscilla Meirelles na wala raw ginawa kundi kumuda nang kumuda sa social media.

May nagsabi pang si Priscilla raw ang nagsimula ng gulo, kung sana’y hindi na siya nakisawsaw sa mga netizens na nagtanong kung sino ang kasama ni John sa pagbabakasyon nito sa Boracay ay tahimik lamang sila at hindi nabuking na may pinagdaraanan sila.

Baka lang gusto na talagang ibuking ni Priscilla ang totoo kaya hindi na niya napigilan ang sariling magsalita pati na ang pambubuking na hindi totoong nagkasundo sila ni John na magkaroon ng “break” sa kanilang relasyon at magkanya-kanyang bakasyon muna.

Ang netizen na nangangalang Niki San ay nagbigay ng kanyang opinyon tungkol kay Priscilla, “Couldn’t give any compassion to Ms. Pricilla’s decision making of the past bec I have watched their video before their wedding that Priscilla had stated that many of her Filipino artists were warning her not to be indulge with that Estrada bec they have the bad image of play boy in the society.

“But Priscilla just answered them saying that bad guys deserve a 2nd chance and that maybe she is the one to make that playboy be matured enough and stick to be a one woman man.

Baka Bet Mo: Babaeng kasama ni John sa Bora ibinuking ni Priscilla: Ganu’n talaga!

“So now that she is having a problem to Estrada, I don’t feel pity of her coz she isn’t pitiful, she knew it from the start, so, she knows how to get out from it people warned her but she still disregarded all the concerns of the society so she is accountable of her act there you go now girl you got your freedom from pain.”

Ipinagtanggol naman ni Pia Grace Sach si Priscilla, “Niki San, she doesn’t need your sympathy though at this point, what she needs are prayers for strength and courage to break free.”

Say ni Pete Tabobo, “Ito lang masasabi ko tatandang mag isa ito (John) sa buhay di Makontinto.”

Ani Eignav Acroh, “Usong-uso yon travel with a friend tulad ni Paolo Contis Richard (Guierrez) at Barbie (Imperial) in Korea as a friend lang ganu’n din John as friend (Lily Hallman) hehehheheeh.”

At dahil marami talagang girls na nali-link kay John ay hindi rin ito tino-tolerate ng netizens dahil nga ano pa ba ang kulang sa asawa niyang maganda, matalino at maayos bilang maybahay.

Samantala, mukhang tahimik na ang magkabilang kampo dahil pareho silang hindi nag-post sa kani-kanilang social media account, sana nga nag-usap sila in private tulad ng hinihingi ni John na kapribaduhan.

Sinilip namin ang Instagram account ni Priscilla at puro tungkol sa pamilya at mga amiga niya sa Brazil ang latest update samantalang si John naman ay walang bagong post.

Hiling din ng netizens na magkasundo na ang mag-asawa para lumaking may kumpletong pamilya naman ang nag-iisa nilang anak na si Anechka hindi katulad ng mga anak ng aktor kay Janice de Belen na naglakihan ng hindi sila magkakasama ng buo.

Read more...