GAANO katotoo ang chika na binasted ng award-winning actress na si Kathryn Bernardo ang kapwa Kapamilya star na si Jericho Rosales.
Ito raw ang dahilan kung bakit hindi na itinuloy ng premyadong aktor ang panliligaw sa ex-girlfriend ni Daniel Padilla.
Kasunod nito, pumutok naman ang chika na nagkakamabutihan na raw sina Jericho at Janine Gutierrez dahil sa kumalat na mga litrato nila together habang nasa National Museum sa Manila.
Feeling ng mga netizens, may something nang namamagitan sa dalawang Kapamilya stars lalo pa’t pareho naman silang single ngayon dahil balitang matagal na raw naghiwalay sina Janine at Paulo Avelino.
Baka Bet Mo: Jericho Rosales ‘di naghahanap ng new love: Too early for that
Nabasa rin namin sa Instagram page ni Janine ang comment ng nanay niyang si Lotlot de Leon na, “Ah excuse me po…sino po kasama mo nagpunta diyan? Hmmmm.”
Nag-reply sa kanya si Jericho at sinabing, “Nag-doorbell po ako para magpaalam pero hinabol ako ng aso eh.”
Sa mga nabasa naming comments ng netizens, mukhang kumbinsido na silang exclusively dating na sina Echo at Janine at in fairness, marami namang boto sa kanila kung totoo ngang playing beautiful music na sila together.
Ayon naman sa ulat ng ating colleague at kaibigan na si Gorgy Rula, binasted daw ni Kathryn si Jericho kaya naman ibinaling na nito ang atensiyon kay Janine.
Ang chika, may isang non-showbiz guy daw ang nanliligaw kay Kath na handang gawin ang lahat para masungkit ang matamis na “yes” ng Box-Office Queen.
May balita ring hindi totoong nanliligaw ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards kay Kathryn tulad ng paniniwala ng ilang fans.
Talagang close lang daw talaga sina Alden at Kath bilang magkaibigan at hanggang sa screen lang daw ang kanilang tambalan.