Bimby, Josh bumalik na sa US para muling makasama si Kris 

Bimby, Josh bumalik na sa US para muling makasama si Kris 

PHOTO: Instagram/@dindo.m.balares

NASA United States na ulit ang magkapatid na sina Bimby at Josh makalipas ang ilang araw dito sa Pilipinas.

Ang close friend ni Kris Aquino na si Dindo Balares ang nagbalita niyan sa pamamagitan ng Instagram posts.

Unang ibinandera ni Dindo ang picture ng magkapatid habang nasa airport at ibinahagi ang update sa kanya ng Queen of All Media.

“‘They are on their way from LAX, kuya Dindo.’ Message ng Mama Kris nina Kuya at Bimb a few minutes ago,” chika niya sa caption.

Baka Bet Mo: PBBM binuking relasyon nina Josh, Bimby kay FL Liza: She’s their aunt!

Kasunod niyan muling igniit ni Dindo na nasa Los Angeles International Airport ang dalawa at sila ay on the way na sa kanilang tahanan sa California upang makasama na ang kanilang ina.

Magugunitang naunang umuwi dito sa bansa si Josh at sumunod naman sa kanya si Bimby kamakailan lang.

Ilan lamang sa mga binisita nila ay sina Dindo, First Lady Liza Araneta-Marcos, at ang fashion icon na si Heart Evangelista.

Recently lamang, nagbigay ng update si Kris patungkol sa kanyang kondisyon at sinabing sasailalim pa siya sa maraming medical tests. 

Nauna rin niyang nabanggit na posible siyang umuwi ng Pilipinas bago mag-Pasko ngayong taon sakaling maganda ang resulta ng kanyang tests.

Bukod diyan, naging usap-usapan din ang dating TV host matapos ibunyag na may bago siyang love life at ang bago niya raw boyfriend ay isang doktor na naka-base sa Makati.

Read more...