Jennylyn sinorpresa ng baby shower si Sheena: ‘Ang sweet mo namang friend!’

Jennylyn sinorpresa ng baby shower si Sheena: ‘Ang sweet mo namang friend!’

Jennylyn Mercado, Sheena Halili

TILA maraming netizens ang napa-sana all sa friendship nina Jennylyn Mercado at Sheena Halili.

Nagkaroon kasi si Jennylyn ng sorpresang baby shower para sa kaibigan niyang 34 weeks nang buntis sa second baby.

Makikita sa video na ibinandera ng una ang bonggang grand entrance ni Sheena kasama ang kanyang mister na si Jeron Manzanero at ang panganay na si Martina.

Mapapanood na tuwang-tuwa ang soon-to-be mom of two at todo ang pasasalamat sa kanyang kaibigan at kumare.

“Gusto kong magpasalamat sa kanya—thank you, mare [Jennylyn]. First time kong magkaroon ng grand entrance,” sey niya.

Baka Bet Mo: Sa wakas, pangarap na baby shower ni Angelica natupad na: Napakasarap sa pakiramdam!

Caption naman ni Jennylyn sa post, “A sprinkle of joy, a dash of laughter, and a heap of love. Today we celebrate not just an impending arrival, but the remarkable woman who’s embarking on her most beautiful journey.”

Aniya pa, “Here’s to the magic of motherhood.”

Sa comment section, ramdam na masayang-masaya si Sheena sa naging sorpresa ni Jennylyn.

Wika niya sa post, “Thank you mare @mercadojenny sa baby shower na binuo mo for me at kay baby boy! love you!”

Nitong Marso lamang, ibinunyag ni Sheena na magkaka-baby na ulit sila ng non-showbiz husband sa pamamagitan ng isang post.

Kasunod niyan ay nagkaroon sila ng intimate gender reveal party kung saan ibinandera nila na magkakaroon sila ng baby boy.

Kung matatandaan, noong February 2020 nang ikinasal sina Sheena at Jeron.

Biniyayaan sila ng panganay na anak noong Disyembre ng parehong taon.

Read more...